top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bilang ng bakunadong estudyante, dapat pataasin para sa mas ligtas na F2F classes

BULGAR
Aug 22, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 22, 2022


Sa pagbubukas ng klase ngayong araw, umabot lamang sa 19% ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19.


Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, ang naturang porsyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH).


Ang mababang bilang umano ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil hindi mandatory o sapilitan ang pagpapabakuna. Habang, 92% naman ng mga guro at non-teaching personnel ay full vaccinated.


Samantala, sinabi pa ng tagapagsalita na maglalagay sila ng mobile vaccination sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng mga mag-aaral na bakunado laban sa COVID-19. Ngunit nilinaw na hindi pa rin ito garantiya dahil kailangang maengganyo pa rin ang mga mag-aaral na magpabakuna laban sa virus.


Samantala, 46% ng mga paaralan sa bansa ang magsisimulang magpatupad ng full face-to-face classes ngayong araw, kung saan ito ay binubuo ng 24,175 public at private schools.


Simula sa Nobyembre 2, ipatutupad naman ang in-person classes sa lahat ng public at private schools sa buong bansa.


Kung tutuusin, mababa ang bilang ng mga bakunadong mag-aaral at dahil dito, nais pang makumbinsi ng DepEd ang mga magulang at estudyante na magpabakuna. Kabilang na rito ang pagsasagawa ng vaccination counselling at nakikipag-ugnayan na umano ang kagawaran sa DOH.


Sa dami ng mag-aaral, kailangang may sapat na proteksyon ang bawat isa, lalo pa't nar'yan ang posibilidad ng malawakang hawahan.


Batid nating bukod sa minimum health protocols, bakuna rin ang mabisang panlaban sa malalang epekto ng COVID-19.


Kaya magandang balita na may ginagawa ring hakbang ang mga kinauukulan upang mapataas pa ang bilang ng mga bakunado sa bansa, lalo na ang mga mag-aaral.


Hangad nating maging epektibo ang mga hakbang na ito para sa proteksyon ng mga kabataan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page