top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bike lanes, wa’ ‘wenta dahil sa mga pasaway na motorista

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2021
1 min read

@Editorial | February 10, 2021



Mahigit 600 mga motorista ang hinuli sa isang lungsod dahil sa paggamit at pagharang sa bike lanes.


Sa kanilang Cycling and Active Transport Ordinances, pagmumultahin ang mga motorista na gagamit ng mga bike lanes. Kung saan, multang P1,000 ang ipapataw sa motoristang lalabag sa unang pagkakataon, P3,000 sa second offense at P5,000 para sa third offense. May P300 ding multa sa mga pumapasadang pedicab na gumagamit ng bike lanes o isang araw na community service.


Mahirap bang unawain na ang bike lanes ay para sa mga nakabisikleta?


Ginawa ito para maging ligtas sila lalo na ngayon na mas marami tayong kababayan na nagbibisikleta papasok sa trabaho gawa ng limitasyon sa transportasyon dulot ng pandemya.


Paalala rin sa mga naka-bike, gamitin ang lane na itinalaga sa atin at huwag nang humalo sa ibang sasakyan.


Ang hindi pagsunod sa mga ganito kasimpleng batas ay nakapagdudulot hindi lang ng pagbigat sa daloy ng trapiko kundi panganib din sa ating buhay.


Sa mga sadyang matitigas ang ulo, makakapal ang mukha, huwag n’yo nang hintaying mahuli, magmulta o mapahamak.


Alamin at sundin ang mga batas-trapiko at huwag mamerhuwisyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page