top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bike, epektib na pangbiyahe, iwas-polusyon pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2023
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 13, 2023


Dapat na isulong ang pagbibisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon sa bansa.


Ito ang naging hamon ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa lahat ng lokal na opisyal ng mga lungsod sa bansa, kasabay ng pagdiriwang ng World Bicycle Day ngayong Hunyo na inilunsad ng United Nations General Assembly noong 2018.


Ayon kay Herbosa sa ginanap na “The Pedal for a Sustainable Future – A World Bicycle Day Celebration” event sa Taguig City, ang pagbibisikleta ay isang simple ngunit epektibong paraan ng ehersisyo at nakakatulong sa pagbabawas ng antas ng polusyon sa bansa.


Dahil dito inilunsad ng DOH ang Active Transport Playbook, kung saan naglaan ng pondong P1,150,000 para sa promosyon nito, upang itaguyod ang pagbibisikleta, maging ang paglalakad bilang epektibong paraan ng transportasyon para maiwasan ang pagkalat at mahawa ng mga tinatawag na ‘non-communicable disease’ sa mga public transport.


Giit pa ng bagong talagang kalihim, na kung magagawa ito ng Taguig ay hinahamon niya ang bawat lungsod na hikayatin at suportahan ang pagbibisikleta bilang alternatibong mode of transportation at bilang paraan upang mabawasan ang polusyon sa ating bansa.


Maganda ang programang ito ng kinauukulan na layuning isulong ang paggamit ng bisikleta bilang isang solusyon sa kahirapan, palakasin ang edukasyon partikular na sa physical education para sa mga bata at kabataan, kalusugan, paglaban sa sakit, at iba pa.


Marahil, dapat na suportahan ito ng mga mamamayan na makatutulong hindi lamang bilang alternatibong uri ng transportasyon kundi paraan din upang magkaroon tayo ng malinis at maayos na kapaligiran.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page