Bigtime rollback, namumuro... P14 diesel, P5 gasoline, P5.20 kerosene

by Jeff Tumbado @News | November 7, 2026

Photo: File
Inaasahan ang malakihang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, batay sa pinakahuling pagtaya sa world market.
Kung saan bababa ng P14 kada litro ang gasolina, P5 kada litro sa Diesel, at Kerosene na bababa sa P5.20.
Gayunman, nilinaw na ito ay paunang pagtataya pa lamang at maaari pa itong magbago depende sa magiging galaw ng presyo ng langis matapos ang trading.
Batay ang pagtataya sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange.
Ang MOPS ang nagsisilbing batayan sa pagpepresyo ng mga refined petroleum product sa Southeast Asia.





Comments