Bigtime drug pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | November 8, 2021
SORSOGON--Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Gadgaron, Matnog.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jiver Garra, 43-anyos, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na bigtime drug pusher si Garra kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba dahilan kaya naaresto ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments