top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Biglaang pag-aasawa, kailangan ng bebot na may weak number para umunlad ang career

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2024
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 14, 2024


Dear Maestro,


Dati akong nag-aaral ng college, pero dahil sa kahirapan ay napilitan akong huminto.


Sinubukan kong magtrabaho na lang kaya kung saan-saan ako nag-apply.


Nagbunga naman ang mga pagsisikap ko dahil nakapagtrabaho rin ako sa isang drug company, pero contractual lang kaya pagdating ng six months ay nabakante ako at simula noon, hindi na ulit ako nakapagtrabaho.


Sa ngayon, 31-anyos na ako at wala pa ring permanenteng trabaho at boyfriend.


May nanliligaw naman sa akin, kaya lang parang malabo ko siyang sagutin kasi wala rin siyang work. Gusto kong mabago ang buhay ko, kaya naisipan kong sumulat sa inyo. Sa ngayon kasi, marami na rin akong mga karamdamang iniinda, pero hindi ako nagpapatingin dahil nahihiya akong baka maging pabigat pa ako sa mga magulang ko na naghihirap na rin ngayon.


Sana sa pamamagitan n’yo ay magkaroon na ng direksiyon ang buhay ko. Ang birthday ko ay May 2, 1992.


Umaasa, Samantha ng Malolos, Bulacan

Dear Samantha,


Ang pinakamabuti mong magagawa ngayong year of Wood Dragon ay ang mag-asawa na.


Oo, panahon na upang ika’y mag-asawa upang mabago na ang takbo ng iyong buhay at kapalaran. Kapag kasi nag-aasawa ang isang tao, lalo na’t saktong May 2 ang birthday mo, hihigupin ng kapalaran mo ang lalaking nakatakda para sa iyo. Samantala, wala namang magagawa ang lalaking mapapangasawa mo, dahil ganundin siya, hihigupin din niya ang tadhana mo at awtomatikong makikihati sa mga kapalpakan, problema at kalungkutang iniinda mo ngayon. Pero, parang asukal at kape rin naman ang nasabing pag-aasawa. ‘Yun bang dating kape na mapait ang lasa habang ‘yung dating asukal na nilalanggam sa garapon na matamis ang lasa na inihulog sa mainit na tubig na nakalagay sa tasa at pagkatapos ay hinalo nang hinalo, hanggang sa magkaroon ng reaksyon at mabago ang lasa – ang matabang na tubig, ang mapait na kape at ang matamis na asukal, sa sandaling hinigop na, sasarap at lilinamnam na.


Gayundin ang kapalaran ng isang tao. Kailangan may makasama siyang ibang nilalang, upang maiba ang blending o pagkakahalo ng kapalaran niya na kapag natama ng timpla, ang iyong kapalaran ay sasarap na at habambuhay na magiging maligaya.


 Ganu’n ang hiwaga ng pag-aasawa. Nagagawa nitong baguhin ang pangit na kapalaran ng isang tao. Kaya kung magkakaroon ka lang ng pagkakataon na magka-boyfriend, kahit wala kang trabaho, mag-asawa ka na upang mabalasa at mabago na ang takbo ng iyong buhay at kapalaran. Pangalawa, lagi ka ring magsuot ng kulay itim, dilaw at iba pang strong color upang lumakas ang iyong loob na magpatuloy at lumaban sa bawat suliranin ng buhay na dumarating.


Pangatlo, maghanap ka ng mga kaibigan o kakilala na may strong number, tulad nilang mga isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, 27, 6, 15 at 24, sila ang tutulong sa iyo sa lahat ng bagay upang lumakas ang iyong loob. Sa kanila ka sumama upang ang “strong personality o strong energy” nila ay masagap, mahigop at mapunta sa iyo. Basta tumambay ka lang palagi sa bahay nila at makikita mo, may malaking pagbabago paglipas ng isa hanggang dalawang buwan sa iyong buhay.


Pang-apat, ang higit na mahalaga sa lahat, huwag ka pa ring tumigil sa paghahanap ng trabaho at padrino na tutulong sa iyo, dahil may isang pagkakataon uli sa iyong buhay na tutulungan ka ng nasabing mga strong number, upang ika’y magkaroon ng stable job at sa bandang huli ay magka- boyfriend at tuluyan na ring makapag-asawa.


Sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap, ang magandang kapalaran ay kusa na ring darating sa iyong karanasan. Sa taon ding kasalukuyan sa edad mong 31 pataas, magkakaroon ka na ng stable job, magkaka-boyfriend at makakapag-asawa ka na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page