Biden at Harris, pinarangalan ang mga beteranong militar kasunod ng US election
- BULGAR

- Nov 12, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Overseas News | Nov. 12, 2024
Photo: Bidden and Harris - AP Photo/Mark Schiefelbein
Pinarangalan nina Pres. Joe Biden at Bise-Presidente Kamala Harris ang mga beteranong militar ng United States (US) kamakailan, sa kanilang unang pagtitipon matapos ang pagkatalo ni Harris sa kandidatura laban kay Donald Trump sa nakaraang halalan.
Nag-alay si Biden ng wreath sa Tomb of the Unknown Soldier sa Arlington National Cemetery kasama si Harris sa isang solemn ceremony.
Sinabi ni Biden sa kanyang talumpati matapos ang pag-aalay na ang pangangalaga sa mga beterano ng bansa ay isang sagradong obligasyon.
Binanggit din niya na ito na ang huling beses niyang dadalo sa seremonyang ito bilang commander in chief.
Binigyang-diin din ni Biden na ang pag-aalay para sa mga veterans ay isa sa karangalan niya sa buhay.





Comments