Bicol Airport, binulabog ng bomb threat
- BULGAR
- Oct 3, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | October 3, 2023

Naantala ang biyahe ng mga eroplano sa Daraga Albay nitong Lunes ng umaga dahil sa bomb threat.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), naganap ang insidente alas-10:45 ng umaga makaraang mayroong mag-iwan ng papel sa comfort room ng Cebu Pacific Airlines flight 5J326 na nagsasabing mayroong bomba sa eroplano habang nasa runway na.
Agad na isinara ang runway at ibinalik sa arrival area ang mga pasahero at ginawa ang pag-inspeksyon sa mga bagahe at hand-carry ng mga pasahero.
Dahil dito, naantala ang paglapag ng limang eroplano at pag-alis ng limang iba pang flights.
Naibalik ang operasyon ng paliparan pasado alas-2 ng hapon matapos walang makitang bomba ang mga awtoridad.
Kasama sa mga nag-inspeksyon bukod sa CAAP personnel ay ang mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group.
Comments