Bibili raw ng bahay… COCO AT JULIA, BALIK-SPAIN
- BULGAR

- Sep 2, 2024
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 2, 2024

Follow-up ito sa naisulat namin dito sa BULGAR na may planong bumili ng bahay si Coco Martin sa Spain base sa report ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM.
Mukhang totoo na nga dahil kasalukuyang nasa Spain si Coco at kasama si Julia Montes base sa mga larawang ipinost sa Facebook (FB) account ng ArtistsVlogs na may petsang Agosto 30, 8 AM.
Tsinek namin ang social media accounts nina Coco at Julia at wala silang bagong posts, at itong si ArtistsVlogs ay isang fanpage.
Sumakto naman na nabanggit ng taga-production sa amin na walang taping ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ) dahil umalis si Coco pero hindi binanggit sa amin kung saan nagpunta, kaya ini-assume naming nasa ibang bansa nga siya kasama ang kanyang lady love.
Anyway, ang gaganda ng mga larawan nina Coco at Julia na ang background ay bundok at lumang gusali. Nalaman namin sa komento ng netizen na nasa Mt. Montserrat, Barcelona, Spain ang dalawa.
May picture rin ang CocoJuls na may magandang sasakyan sa likod nila at inisip namin na baka ito ang service ng dalawa o nirentahan ng aktor para malibot nila ang buong lugar.
Malamang sa Barcelona na nga nakabili ng bahay si Coco at kasama si Julia.
Hayan, ito ang sagot sa tanong ng CFMers kung kasama ba si Julia kapag bumili ng bahay si Coco sa Spain na sinagot ni ‘Nay Cristy ng, “Tinatanong pa ba ‘yun?”
At kung sa Barcelona nga ang bahay nina Coco at Julia, hindi nila magiging kapitbahay si Bea Alonzo dahil sa Chamberí, Madrid, Spain nakabili ang aktres at mahigit dalawang oras ang biyahe mula Barcelona hanggang Madrid sa pamamagitan ng tren.
Maraming netizens ang gustung-gusto sina Coco at Julia at hinihintay na lang ang kanilang announcement kung kailan ang kasal.
May tinanong kaming taong malapit sa aktres kung may napag-uusapan na tungkol sa kasal, ang sagot sa amin ay “Wala akong alam.”
Hmmm, hindi kaya mambibigla na lang isang araw ang dalawa at iyon ang aabangan?
‘Perfect couple’ kung ilarawan ng mga netizens ang CocoJuls at ang iba pang nabasa namin ay ang mga sumusunod:
“We also see the awesome nature of Spain like we are there also. God bless both. Good luck sa travel & be safe.”
“Beautiful and sweet couple Coco and Julia, both of you are my idols.”
“Beautiful couple, stay safe and be happy always.”
“Grabe ka, Idol Coco. Ganda ninyo d’yan kasi ang ganda rin ni Julia.”
“Nice looking.”
“Nice picture.. Take care always and be safe.”
“Wow na wow!!! How sweetah!”
“God bless po and health ingat po mga idol.”
“Wow sweet.”
Bongga!
Kailangan niya talaga…
SIKAT NA AKTOR, ‘DI MAKAARTE SA TAPING NA ‘DI NAGMA-MARIJUANA

BLIND ITEM:
SANA hindi trulili ang nalaman namin tungkol sa sikat na aktor na laging naka-MJ (marijuana) kapag shooting ng project niya.
Tila normal na raw sa sikat na aktor na lagi siyang naka-MJ dahil ka-jamming niya ang co-actors niya sa project na ginagawa nila ngayon.
Tinanong namin kung bakit kailangan ng MJ.
“Para ganahan sa set, para normal lang ang takbo, flawless, ‘ika nga,” sabi ng aming source.
Sa totoo lang, hindi kasi namin ma-gets kung bakit may MJ thing, palibhasa hindi kami maka-relate, kaya kailangang ipaliwanag sa amin lalo na ang ka-jamming ng sikat na aktor na isa ring sikat.
“Bisyo na nila, normal na imbes na yosi, eh, di MJ na lang. Sabi naman nila, healthy ‘yun, so du’n sila nakakampante siguro,” esplika ng aming kausap.
Alam naman daw ito ng buong production dahil ‘pag dumating na ang mga nabanggit, amoy na amoy sa set ang MJ.
Sabi pa ng aming source, “Sayang si (sikat na aktor) kapag nagtuluy-tuloy siya d’yan, baka masira s’ya.”
Kaya pala kung anik-anik ang pinaggagawa minsan ng co-actor ng sikat na aktor, kasi naka-MJ.





Comments