BFF naman daw sila pero… HIRIT NI ROSMAR: RENDON LABADOR, FAMEWHORE TALAGA
- BULGAR
- Sep 1, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 1, 2024

Ibinahagi ng kilalang content creator at businesswoman na si Rosmar Tan ang naging realization niya sa iskandalong nangyari sa kanya sa Coron, Palawan.
“‘Yung sa Palawan po, ang sabi, persona non grata but not totally banned. So, puwede pa rin kaming pumunta. Pero siyempre, nagla-lie-low na rin po muna ako ngayon. Alam ko po na nasaktan ko ang mga taga-doon,” pahayag ni Rosmar.
Katatapos lang daw mag-charity ni Rosmar noong nangyari ang insidente sa Palawan.
“Nu’ng time po kasi noon, sobrang tired na sa charity, nagbalut-balot kami that time ng mga pamimigay, puyat, pagod.
“Nag-post lang po ako na du’n gaganapin a day before, parang gabi nu’n. So, hindi ko ine-expect na sobrang dami ng tao and sobrang na-overwhelmed pa ako,” lahad ni Rosmar.
Nagkautang-utang pa raw si Rosmar noong pagpunta niya sa Palawan dahil wala siyang dalang sapat na cash that time.
Kapag nagtsa-charity work daw kasi si Rosmar, namimigay siya ng P50,000 cash sa isang taong nangangailangan, bukod pa sa gadget na ipinamimigay niya.
“So ngayon, sobrang nagsisisi po ako na ganu’n ‘yung naging reaksiyon ko. Pero alam n’yo po, ‘di ako talaga ganu’ng klase ng tao na parang nilahat na ng mga tao na, ‘Ah, ang sama pala,’ ganyan.
“Parang ‘yung lahat ng kabutihan na ginawa ko, ang pagiging mabait ko, na-judge na sa isang pagkakamali,” paliwanag ni Rosmar.
Depensa pa niya, hindi lang naman daw sila ang may pagkakamali doon.
“Siyempre po, parang nasaktan lang din po kami. Kumbaga, tao lang po kami. Kaso hindi naman ako plastic na tao, eh. Naiyak na po ako nu’n,” pag-aalala pa niya.
Kasama ni Rosmar sa Coron, Palawan incident ang vlogger na si Rendon Labador.
“Eto po, kay Kuya Rendon, medyo ‘di po kami nagkakasama-sama ngayon. Pero kaibigan ko pa rin po siya. Kaibigan pa rin namin.
“Mabait s’ya bilang kaibigan. Ang sa kanya nga lang, parang famewhore kasi s’ya na gustong sumikat. Pero bilang kaibigan, mabait naman talaga s’ya,” diin ni Rosmar.
Bilang BIR ambassadress, may mensahe naman siya sa mga kapwa niya content creators, lalo na ang nabalitang CEO ng beauty products na hinahabol ng BIR ngayon.
“Ang mensahe ko lang po sa mga content creators na hindi nagbabayad ng buwis, nu’ng umpisa po talaga, ‘di ko alam na pati pala ‘yan, dapat bayaran, ganu’n.
“Alam naman nating lahat na once na kumikita tayo, dapat nagbabayad ng buwis. Kasi nakakatulong naman po ‘yun sa Pilipinas, eh, sa mga mamamayan na nangangailangan.
“Kesa nagtatago kayo, kinakabahan, o parang nagtatago kasi nga alam na hindi kayo nagko-comply.
“So, ‘yun ‘yung mahirap, eh. Kinakabahan kayo araw-araw, ‘di ba, parang ganu’n. Hindi naman po nakakatakot ang BIR kung magko-comply,” pahayag niya.
Dahil sa patuloy na pag-ikot ni Rosmar sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magbigay ng ayuda, posible raw na pasukin niyang muli ang pulitika.
“Ano po, nu’ng unang beses na tumakbo po ako bilang konsehal, hindi po ako nakapagkampanya noon kahit isang beses.
“Kasi, sabihin na natin na parang pinilit lang talaga ako nu’n. Kasi parang ako ‘yung nakikita nila, napupusuan nila na, simula po kasi nu’ng 10 years old ako, tumutulong na po ako sa mga tao.
“As in, dumating na ang panahon na said na said na ang pera ko (sa katutulong) at 20 thousand na lang ang natira nu’ng pandemic, parang ako na ‘yung naubusan.
“Kaya naisip po nila na saktung-sakto na pumasok ako sa pulitika. Pero tumutulong po talaga ako na hindi dahil gusto kong tumakbo or what.
“Pinilit-pilit po nila ako nu’n. Eh, buntis po ako, ‘di ako nakapagkampanya. Pero muntik na po akong lumusot nu’n that time.
“Ngayon po, undecided po talaga ako. Kasi parang meron lang din pong nagpu-push sa ‘kin ngayon na para sa kanila, ako ‘yung parang pinaka-sakto raw po para sa posisyon, para sa ganyan.
“Pero undecided po talaga ako. Kasi ang mindset ko, nasa pulitika ka man, may posisyon ka man o wala, puwede ka namang tumulong. Kasi, ‘di ‘yan ang focus ko, eh.
“Matuloy man o hindi, itutuloy ko pa rin po ang pagtulong sa mga tao. ‘Yun naman po ang 100% sure,” ngiti pa ni Rosmar Tan.
Comments