top of page

BF, willing to wait? JULIA, 5 YRS. PA GUSTONG MAGPAKASAL KAY GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2025
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 25, 2025



Photo: Julia Barretto - instagram



Malakas ang bulung-bulungan ngayon na ang showbiz couple daw na susunod na maghihiwalay ay sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Ito ay sa kabila ng pahayag ni Gerald na gusto na niyang pakasalan si Julia, at magkaroon na ng sariling pamilya.


Umaarangkada pa ang career ni Julia at sayang naman kung hindi niya sasamantalahin ang oportunidad na dumarating sa kanya ngayon. Marami rin siyang endorsements ngayon, kaya ang deadline niya na mag-asawa ay baka mangyari five years pa.


Makakapaghintay naman kaya si Gerald ng 5 taon pa? Papaano kung may humadlang at sila ay paghiwalayin?



Taliwas sa bali-balitang purdoy (mahirap) na ang Superstar na si Nora Aunor nang siya ay yumao, meron pala siyang 64 hectares na palayan sa kanilang bayan sa Iriga, Camarines Sur. At nang maiayos na niya ang mga papeles bago siya nagkasakit ay ibinigay niya ang 36 hectares sa mga magsasakang tenants ng kanilang palayan.


Buo ang akala ng marami na walang natira sa mga properties na naipundar ni La Aunor. Naibenta na raw niya ang lahat ng kanyang nabiling bahay atbp. ari-arian. Wala na rin daw siyang pera sa bangko, kaya nanghihiram na lang ng pera sa mga kaibigan kapag may kailangang bilhin.


Pero sa kanyang kakapusan sa pera, ni minsan ay hindi niya inisip na humingi ng tulong-pinansiyal sa kanyang mga anak na sina Ian, Lotlot at Matet. May ilang kaibigang artista na kusa na lang tumutulong at nagbibigay kay Nora Aunor.


Bagama’t kumikita naman si Guy sa mga pelikulang kanyang ginawa bago siya nagkasakit, ito ay itinutulong din ni Nora sa mga taong lumalapit sa kanya. Sobra ang pagiging generous ni Aunor, at halos wala na siyang itinira para sa kanyang sarili.



MARAMING Noranians ang nagtatanong kung ano raw ba ang balak gawin ng mga anak ni Nora Aunor na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth sa napakaraming trophies at memorabilia ng Superstar? 


Dapat daw ay mailagak ito sa isang museum upang maingatan at ma-preserve.

Sa isang interview, sinabi ni Matet na noong nabubuhay pa ang kanilang Mommy Guy ay napag-usapan na rin nila kung saan ilalagay ang mga trophies at iba pang memorabilia ng Superstar. 


Gusto raw ni La Aunor na magtayo ng mala-museum café at dito i-display ang iba’t ibang trophies at mahahalagang memorabilia upang makita ng mga Noranians.


Well, sino kaya kina Ian, Lotlot at Matet ang mamamahala sa itatayong museum café? Sayang at hindi na rin naasikaso ni Aunor ang pagtatayo niya ng sariling foundation na ang layunin ay makatulong sa mga mahihirap.



HINDI totoo na hindi sumipot si John Rendez sa burol ni Nora Aunor, at hindi rin dumating sa Libingan ng mga Bayani. Hindi naman siya off-limits sa wake ng Superstar. In fact, dalawang beses namin siyang nakita sa Heritage Chapel.


At sa libing ni La Aunor noong Martes ay naroroon din siya, pero hindi nakigrupo sa mga anak ni Nora Aunor. Nasa paligid lang siya at nagmamasid habang ginaganap ang state funeral. 


Nang nailagak na ang kabaong ni Aunor at nakaalis na ang mga anak ng Superstar, nakita namin na lumapit si John Rendez sa hukay at humahagulgol bago tabunan ang puntod ng Superstar.


Ramdam ng lahat ng mga nakakita ang lungkot ni John Rendez sa pagyao ng kanyang “special friend” for more than 30 years.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page