BF, talong mayor sa Manila… RHIAN AT SAM, NAGBAKASYON SA EUROPE AFTER ELECTION
- BULGAR

- May 30, 2025
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 30, 20255
Photo: Sam Verzosa at Rhian Ramos - IG
Hindi man pinalad manalo si Sam Verzosa nang tumakbong mayor ng Maynila, napatunayan naman niya kung sinu-sino ang kanyang mga tunay na kaibigan na dumamay at hindi nang-iwan sa kanya sa gitna ng laban.
At maging ang nobyang si Rhian Ramos ay all-out ang ibinigay na suporta sa kanya bilang patunay kung gaano siya kamahal ng Kapuso actress.
Medyo pumayat si SV dahil sa pagod at stress sa kampanya, kaya naman pinayuhan siya ng kaibigan/business partner na si RS Francisco na magbakasyon muna para makapag-recharge.
Binisita ni SV ang panganay niyang anak na nag-aaral sa United Kingdom (UK). Isinabay na rin nila ang bakasyon nila ni Rhian sa Europe.
Kailangan din ni Rhian ang mag-recharge dahil tinapos niya ang kanyang mga eksena sa pantaseryeng The Encantadia Chronicles: Sang’gre (TECS).
Medyo nanibago lang si Rhian Ramos sa kanyang character na may pagka-kontrabida. Tiyak na maraming viewers ang magagalit sa kanya.
Sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Raymond Fortun, nagpahayag si Bong Revilla, Jr. na magsasampa siya ng kasong cyberlibel sa ilang taong nagpakalat ng fake news bago ang May 12 midterm election na convicted siya sa plunder at ipinababalik daw sa kanya ng Sandiganbayan ang halagang P124 milyon.
Magpapatulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Bong upang matukoy ang mga taong nasa likod ng fake news na ang layunin ay sirain ang kanyang imahe sa publiko.
Malaki ang naging epekto ng mga nasabing paninira at fake news sa pagkatalo ni Bong sa nakaraang 2025 elections. Two weeks bago ang May 12 election, naglabasan na sa social media ang mga paninira sa kanya. Talagang sinadya at pinagplanuhan ng mga kalaban ang panlalaglag kay Bong Revilla upang hindi siya makapasok sa Top 12 senators.
MAY aabangan na naman ang mga fans ni Barbie Forteza kapag umere na ang seryeng Beauty Empire (BE) na ang major cast ay binubuo nina Ruffa Gutierrez, Barbie, Kyline Alcantara, Sid Lucero atbp..
Isang matured na Barbie ang gaganap bilang CEO ng isang beauty empire. Parehong fashionista ang character nina Barbie at Kyline na magiging mahigpit na magkakumpitensiya sa fashion world.
Kung dati ay nasanay ang mga fans ni Barbie sa kanyang bagets style ng pananamit, babaguhin ito sa serye. Kailangan na medyo smart at sophisticated ang kanyang personalidad at magsisilbing mentor niya ang beauty queen na si Ruffa Gutierrez.
Ibang-iba rin ang character na gagampanan ni Kyline na may pagka-bad girl na ayaw magpatalo.
Marami silang eksenang bardagulan ni Barbie Forteza. Tiyak na pati ang kanilang mga fans ay magsasalpukan din at iyon ang aabangan ng mga viewers.










Comments