BF, sobrang sweet daw… DOMINIC, BF NA, HAIRSTYLIST PA NI SUE
- BULGAR

- 22 hours ago
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | March 28, 2026

Photo: IG @suennadoodle
Grabe, halos ma-coma ang mga netizens sa sweetness overload na ipinakita ni Sue Ramirez at ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque sa latest Instagram (IG) post ng aktres.
Sa caption na: “Two broken wrists, one patient boyfriend. What would I do without you?” kitang-kita kung gaano ka-focus at maalaga ang binata habang inaayos ang buhok ni Sue.
Taray ni anteh mo, may boyfriend na, may sariling hairstylist pa!
Kaya naman natural lang na umapaw ang kilig ng kanilang mga followers.
May comments na, “Ugh, to be loved like this!” na agad namang sinagot ni Sue ng “As in!!! I’m very lucky.”
May ilan ding nag-react ng “Finally! Deserve na deserve mo si Dominic!”
Siyempre, kitang-kita sa mga comments ang pagkainggit sa dalawa at pagkaintriga ng mga netizens.
Pero ang tanong ng lahat — mauuwi na kaya ito sa kasalan? Handa na kayang muling mag-propose si Dominic matapos ma-cancel ang engagement nila ni Bea Alonzo noong 2024?
Abangan natin kung sa simbahan na nga ba mauuwi ang kanilang sweet na love story.
Sey mo, Chie?
JAKE, NAGMUKHANG BABY ULI DAHIL KAY RABIYA
MATAPOS ang usap-usapang pagkikita, muling lumabas sa publiko ang larawan nina Jake Cuenca at beauty queen-actress Rabiya Mateo sa birthday celebration ni Sienna Stevens.
Sa Instagram (IG) ni Sienna, makikita ang isang mala-family photo. Dahil dito, umulan ng reaksiyon mula sa mga netizens—karamihan ay nagsabi na, “Bagay sila!”
May ilan ding nakapansin na tila mas magaan ang aura ngayon ni Jake.
Ayon sa isang netizen, “Ang galing ni Rabiya, ibinalik ang glow ni Jake na amoy-Baby Bench na. ‘Di na amoy chico.”
Sa ngayon, tila nasa early stage pa lamang ang dalawa—ang tinatawag na getting-to-know each other.
Pero teka, may panibagong twist! Kasabay ng ingay sa social media, may recent IG story si Rabiya, ipinost niya ang isang bouquet ng bulaklak.
Tingin n’yo, Mare, kanino kaya galing ‘to?
Sa kabila ng mga espekulasyon, nananatiling walang kumpirmasyon mula kina Jake at Rabiya tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa huli, ano nga bang nasa likod ng kanilang pagsasama? Isang chapter na kaya ang nagsisimula, o matagal na itong umuusad nang hindi natin alam?




Comments