top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BF, red flag daw… BEA, TODO-LIBRE KAY DOMINIC SA MGA DATE NILA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2023
2 min read

ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 12, 2023



Ang daming netizens na nakisawsaw sa latest post ni Bea Alonzo sa Instagram tungkol sa date night nila ng boyfriend na si Dominic Roque nu'ng Linggo.


Naikuwento lang naman ni Bea na dahil na-cancel ang trabaho niya ay nagkaroon sila ng time ni Dominic para i-pamper ang sarili.


Pagkatapos daw siyang samahan sa salon ni Dom, pumunta sila sa isang spa at kumuha ng pamper package.


Aniya, “We went to the spa and got a pamper package, a body polish coconut scrub and Philippine 'hilot'. It was so good! But Dom said, we could've gotten the same massage for a much lower price.


Hahahaha!”


Kahit ibinuking ni Bea na may pagka-kuripot si Dominic, puring-puri naman niya itong praktikal na tao at marunong sa buhay na nagustuhan niya sa BF.


At dito na nga nag-react ang mga netizens.


Shucks! Babae pa ang nanlibre sa lalaki. Girl, that's a red flag already. Well, wala namang ibang pinagkakaabalahan si Dom kundi mag-throwback at maglaro ng tennis,” komento ng isang fan.


Pinuna naman ng isa pa ang tila pag-baby ni Bea sa BF, “Bea Alonzo pampers Dominic Roque is the same as when a guy courts a girl. Everything is lovey-dovey, perfect, best foot forward until they get married. Then bam... things changed.”


Para naman sa isa pa, sana raw ay ‘di palaging si Bea ang nanlilibre sa kanilang dalawa, “Sana, isang beses lang ‘yan. Iba kasi 'pag ‘yung babae ang parating nanlilibre, either he's broke or he doesn't want to spend on you kasi hindi ka priority or tingin niya ay hindi ka worth it.”


Payo naman ng concerned netizen, “No, a relationship should be give and take. That’s a perfect deal in future life — sharing and giving is what they’ve got in life while enjoying it.


Huwag lang take nang take si babae o si lalaki.”


Agree naman, ang relasyon dapat ay give and take dahil unfair naman para sa isa kung siya na lang ang laging nagbibigay habang ‘yung isa ay puro tanggap lang, ‘di ba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page