top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bf na may live-in partner, makakatuluyan pa rin

BULGAR
Jan 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero |Enero 5, 2023

Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo tungkol sa problema ko sa pag-ibig. May boyfriend ako, pero may live-in partner na siya. Gayunman, wala pa silang isang taon na nagsasama at wala pa silang anak. Noong huli ko siyang nakausap, sinabi niya na mas mahal niya ako kaysa sa kinakasama niya at iiwanan niya raw ito para sa akin, kaya naniwala naman ako.


Kahit alam kong may ka-live-in siya, madalas pa rin kaming magkita at palaging may nangyayari sa amin. Mahal na mahal ko siya, kaya gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa. Ang hindi ko lang maisip ay bakit niya sinasabing mahal niya ako, pero ayaw niyang hiwalayan ang live-in partner niya para kami na ang magsama?

Sa palagay n’yo, Maestro, kami na ba ang magkakatuluyan at dapat ko pa bang ituloy ang relasyon namin? July 13, 1989 ang birthday ng boyfriend ko at November 7, 1995 naman ang birthday ko.


Umaasa,

Lovely ng Santo Rosario, Candaba, Pampanga


Dear Lovely,


“Cuando el amor no es locura, no es amor.” Ang sabi ng Spanish poet na si Pedro Calderon de la Barca, na nangangahulugang “When love is not madness, it is not love.”


Ganu’n ‘yun! Kung minsan ay sadyang naloloko tayo sa sandaling tayo ay umiibig at ang pagkabaliw na ito, kung paniniwalaan natin si Pedro Calderon de la Barca, ‘yan ay senyales na inlab na inlab tayo sa object ng ating pagnanasa.


Samantala, sa pagsusuring Astrology, tunay na ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio ang zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo, sapagkat ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong water o tubig.


Habang sa pagsusuring Numerology, sinasabi rin na ang weak number mong 7 ay sadyang tugma sa neutral at unique number na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) ng boyfriend mo, kung saan bukod sa pagiging tugma ng inyong mga numero, statistically speaking, maraming magkarelasyon na may birth date na 7, 16, at 25 na nakakatuluyan silang may mga birth date na 4, 13, 22, at 31. At marami ring may zodiac sign na Scorpio na tulad mo ang nakakatuluyan ang isang Cancer na tulad ng boyfriend mo.


Samakatuwid, anuman ang mangyari, darating ang eksaktong panahon na itinakda ng kapalaran na magdedesisyon din ang boyfriend mo kung sino ang pipiliin at pakikisamahan niya sa inyong dalawa ng live-in partner niya.


Ang mangyayaring tugon ay ganito — kung hindi naman niya ka-compatible ang kanyang live-in partner sa zodiac sign at Numerology, walang duda na ikaw ang kanyang pipiliin upang pakasalan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya. Ayon sa iyong Love Calendar, ito ay nakatakdang mangyari sa taon ding kasalukuyan, sa buwan ng Abril o Mayo at sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page