top of page
Search
  • BULGAR

Bf na may iba pang babae, ka-compatible kaya sure na makakatuluyan

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Abril 17, 2024


Dear Maestro 


May boyfriend ako na may live-in partner. Hindi pa naman sila mag-asawa at wala pa rin isang taon ang pagsasama nila, gayundin, wala pa silang anak.


Mas mahal niya raw ako kesa sa kinakasama niya kaya naniwala naman ako. Sa ngayon, madalas na may mangyari sa amin. Ang ipinagtataka ko, mahal na mahal ko siya kahit may kinakasama na siya, kaya gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa. Ang hindi ko lang maisip ay mahal niya raw ako, pero ayaw niya namang hiwalayan ang live-in partner niya?


Minsan tuloy naiisip ko na baka ginagamit niya lang ako. Ano sa mpalagay o, Maestro, dapat ko na bang itigil o mas dapat na ipagpatuloy ko ang relasyon namin? Sa bandang huli, kami rin ba ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay tulad ng palagi niyang ipinapangako sa akin sa tuwing may nangyayari sa amin? 


November 10, 1996 ang birthday ko habang July 7, 1990 naman ang birthday ng lalaking ito.

 

Umaasa,

Karen ng Santa Ana, Taytay, Rizal

  

Dear Karen,


Babala o warning ang dapat mong ibigay sa boyfriend mo na may ibang partner, ngunit sumasawsaw pa rin sa iyo. Ito ay para maging klaro sa iyong isipan at maging malinaw na rin kung saan hahantong ang inyong magulong relasyon. Minsan, sadyang madaming problema ang tao, pero sa pamamagitan ng deadline, babala o warning, ito ang tatapos sa kanyang mga suliranin sa buhay. Sa simpleng tanong na, “Hanggang kailan ka maghihintay?” 


Ganu’n ‘yun! Sabihin mo sa boyfriend mo, kung talagang mahal ka niya, makapaghihintay ka. Halimbawa lang ito, hanggang sa katapusan ng taong 2024. Kapag dumating ang katapusan ng 2024 o sa December 31, sa ayaw at sa gusto niya, dapat iwanan mo na siya kapag hindi ka niya pinili.


Kapag binigyan mo ng “ultimatum” ang isang pangyayari o sitwasyon, sa dakong huli ay kusa rin bibigay sa iyo ang iyong kagustuhan.  Kapag dumating ang katapusan ng 2024 at hindi ikaw ang kanyang pinili, okey lang dahil hangga’t maaga pa, nalaman mo na ang magiging hantungan o wakas ng inyong relasyon. Subalit kung ikaw naman ang pipiliin niya, eh ‘di salamat sa binigay mong deadline dahil na-pressure mo siyang magdesisyon hangga’t maaaga pa o hangga’t hindi ka pa grabeng napapalautan.


Samantala, sa pagsusuring Astrology, tunay na ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio ang zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo. Sapagkat, ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong water o tubig.


Habang sa pagsusuring Numerology, ang weak number na 7 ng boyfriend mo at strong number mo namang 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) ay nagsasabing sadyang compatible kayo sa isa’t isa, kung saan bukod sa pagiging tugma ng inyong mga numero, mas lamang na ikaw ang kanyang piliin dahil mas madaling napahihinuhod ng Taong Uno (1) ang Taong Siete (7), lalo na sa mga sitwasyong may kaugnayan sa damdamin o pag-ibig.


Ayon sa iyong Love Calendar, Karen, sa taong kasalukuyan at sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre, sure na ang magaganap, makakapagdesisyon na rin ang boyfriend mo kung sino ang pipiliin at pakikisamahan niya. Kung hindi naman niya ka-compatible ang kanyang partner, tiyak na ikaw ang kanyang pipiliin na pakasalan at tuluyanng makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025 sa buwan ng Mayo. Kung saan, may pormal na pagsasama at kasalang magaganap na hahantong sa isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page