Beybi nahulog sa kanal, dedo

by Mai Ancheta @News | November 21, 2026

Photo: Engineer binaril sa Orange Grove sa Brgy. Matina Pangi, Davao City - Circulated
Nagluluksa ang pamilya ng isang taong gulang na lalaki makaraang mahulog ito sa irrigation canal malapit sa kanilang bahay at masawi sa Brgy. Roxas, Sto. Niño, South Cotabato.
Base sa imbestigasyon, sinundan umano ng biktima ang kanyang tiyahin na patungo sa bukid at wala umanong nakapansin hanggang sa mapunta sa irrigation canal at nahulog.
Nadiskubre ang bata sa kanal ilang oras matapos umanong matuklasang wala sa kanilang bahay at agad dinala sa isang klinika subalit hindi na umabot nang buhay.
Dahil sa insidente, pinayuhan ang magulang ng mga bata sa lugar na huwag hayaang gumala ang mga anak upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.





Comments