Best-of-7 na ang MPBL Nat'l finals sa Solar Sports
- BULGAR

- 7 days ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | March 29, 2026

Photo: Ni-renew ni MPBL Founder at Chairman Manny Pacquiao at Solar Sports President Wilson Tieng ang kanilang broadcast partnership para sa MPBL Eighth Season simula sa Abril 10. Kasama sa mga hanay ng dumalo sina MPBL Commissioner Emmer Oreta, CEO Joe Ramos at Legal Counsel Glenn Gacal, Solar Sports Chairman William Tieng, CFO/COO Kenneth Yumand at Chief Legal Counsel Valerie Grace Domantay. (Gerard Arce)
Maspalalawigin sa best-of-seven ang championship match sa pagitan ng North at South Division para sa National Finals sa 8th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League kasunod na rin ng panibagong broadcast partnership sa Solar Sports.
Optimistiko si league owner at chairman Manny Pacquiao sa panibagong season na magbibigay ng mas magagandang mga laro at mapapanood ng mga lokal na manonood matapos ang matagumpay na pag-ere ng mga laro noong 2025.
Inaabangan ang mga bagong manlalaro na lalong magpapatatag at magpapakita ng matinding aksyon at kalidad ng mga laro, lalo na’t maraming players ang manggagaling sa collegiate league na inaasahang magpapakitang-gilas pa.
"Fans can expect better, more competitive games this year," wika ni Pacquiao, na pumirma ng panibagong kasunduan kasama si Solar Sports president Wilson Tieng sa Solar Century Tower sa Makati kasama rin sina MPBL Commissioner Emmer Oreta, CEO Joe Ramos and Legal Counsel Glenn Gacal, Solar chairman William Tieng, CFO/COO Kenneth Yumang at Chief Legal Counsel Valerie Grace Domantay. "With Solar as an integral partner, we can look forward to an even more comprehensive coverage not only of the games, but the league's other activities," pahayag ni Ramos na aniya lalo pang pinalawig ng Solar Sports ang MPBL coverages mula sa anim na live games kada linggo patungo sa 12 sa ika-8 season.
Nakatakdang simulan ang mga aksyon sa Abril 10 na matutunghayan ang inaugural ceremonies sa Caloocan Sports Complex para sa North Division at Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna para sa South Division.
Mula sa regular na best-of-5 serye sa championship ay iniangat na sa dikdikang winner-take-all Game 7 ang mga bakbakan. Mga dumalo sa signing sina MPBL players Kymani Ladi (Caloocan), Tucker Molina (Abra), Nicko Elorde (Abra), Mike Are (Zamboanga), Paeng Are (Zamboanga) at Inno Comboy (Batangas).




Comments