Berco 7th sa Karate One-Youth League
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 16, 2026

Photo: Tumirada ng upak si Khyle Aranas ng Philippine Team sa katunggaling New Zealand sa kanilang mahigpitang engkuwentro sa Karate Youth League One Manila 2026 Junior Kumite (male category) na ginanap MOA Arena, Pasay City kahapon. (Reymundo Nillama)
Pinadapa muna si Logan Morrison ng Scotland sa 7-1 at Mwtt Witharana sa 3-1 sa isang banatan, subalit lubhang kinapos kay Hang Lao Cheok ng Macau sa 1-5 para sa bronze medal, at tumapos sa seventh place si Pilipino junior karateka Eduardo Berco III sa male kumite under-61kgs division habang tumindig na nakipagtagisan ang ibang mga Pinoy bets sa pagpapatuloy ng Karate One-Youth League kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kaagapay sa pagtatanghal ang Philippine Sports Commission, buong tibay na bumangon mula sa pagkakadapa sa unang laban si Berco kontra Maksym Viechikanov ng Ukraine.
Ibinigay ng husto ng Pinoy bet mula General Santos City ang makakaya upang makuha ang unang medalya ng bansa sa torneong suportado ng SM Group of Companies at Philippine Olympic Committee, gayundin ang Lanson's Place, Citadines Bay City Manila at Milo.
Nakipagbuno sa laban si Rei Alec Servan, na kinapos sa masaklap na 1-2 decision kontra Lucy Choi-Lawrence ng Australia sa junior female -53-kilogram quarterfinals sa torneong kinikilala ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. Hindi naiwasan ni Servan ang atake ng Aussie na tumama sa mukha para maalpasan ang 1-1 na iskor sa mahigit sa dalawang minuto sa laban.
Nawalan din ng tsansa na makausad sa semifinals sina Zian Alexander Sing sa junior male kumite -61kg division at Kevin Llup sa junior male kumite -55kgs division, ng natalo sa quarterfinal round.
Nalampasan naman ni Llup sa All-Filipino bout si Bernardo Fresco sa referees’ decision sa second round, subalit natalo sa quarterfinals kay Saudi Arabian Abdulrahman Arafat sa dominanteng 4-14 para makapasok sa semifinals.





Comments