top of page

Bentang-benta sa fans na relate sa ugali niya… VICE, GAMIT NA GAMIT ANG CONCERT PARA BANATAN ANG MGA PULITIKO AT KALABAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 10, 2025



Photo: Vice Ganda - IG



“Peryang-perya. Masaya, makulit, makulay, mahusay, mapangahas at matapang. Sana lang, kayanin niya ang consequences ng mga aksiyon at salita n’ya,” ang unsolicited advice ng mga nakapanood ng concert nina Vice Ganda at Regine Velasquez kamakailan.


Bukod daw kasi sa usual presentation ng songs and dances ng pagka-Songbird ni Regine at high valued production numbers ng mga guest artists, ‘yung pagiging matalas ni Vice ang naging sentro ng humor na may sarcasm, may political stance at nire-receive naman ng mga tawang-tawang audience.


Gamit na gamit nga raw ni Vice ang mga usapin sa DDS, BBM, Duterte, Pinklawan, Cristy Fermin and company, at mga content creators na diumano’y pinagkakakitaan siya, kasama na ang mga birada sa iba pang isyu ng bayan.


Sey pa ng mga nakapanood, “Sa panahon ngayon na uso ang magbigay ng pahayag at saloobin sa mga isyu, hindi naman naiiba si Vice. ‘Yun nga lang, sana ay ready din siya sa backlash, sa responde o anumang posibleng gawin din sa kanya ng mga tao at grupong ang feeling nila’y nayurakan, na-disrespect at pinagkakitaan din somehow.”


“‘Yung mga taong nandu’n na tumawa at natawa ay bahagi lang ng isang komunidad na nakaka-relate at posibleng may ganu’ng emosyon din na mas matalas at matapang lang na inirerepresenta ni Vice. In fact, pinagtatawanan nila ang sarili nilang kahinaan,” pag-analisa pa ng mga kausap naming mas nangangamba raw sa posibleng consequence ng pagmamatapang ng comedian-host.


“Iba na talaga ang panahon ngayon. Kung nasa era pa tayo ng diktadurya, malamang na literal na ipinakain kay Vice ang mikropono sa inasal n’yang ‘yun,” susog pa ng mga kausap namin.



Wala nang bagong maipakita… REGINE, HINAYAAN NA LANG NA LAITIN SIYA NI VICE SA CONCERT


“NAGING dekorasyon na lang. Isang magandang dekorasyon,” pakli naman ng mga naghahanap ng bago kay Regine Velasquez sa naturang concert.


Very obvious daw kasing parang naging VIP guest lang ang Songbird dahil nilamon daw talaga ito nang todo sa kudaan at wit ni Vice Ganda.


At gaya sa isang malaking comedy bar, hinayaan lang umano ni Regine na maging subject din siya ng panlalait, pati ang asawang si Ogie Alcasid para lang mapatawa ang audience.


“‘Yung mga lipad-lipad scene n’ya, napanood na namin ‘yun years ago. ‘Yung boses n’ya, paiba-iba na. May sabit, may garalgal at hindi na kasinglinis ng dati. Kaya marahil ipinaubaya na lang n’ya kay Vice ang malaking portion ng show na ikinagalak ng mga manonood. But as for Regine being the concert queen or so, iba na, pero sulit pa rin


naman,” reaksiyon ng mga nakapanood.

Wish daw sana kasi nilang makita ang Songbird na nag-a-ala-Madonna, Beyonce o kahit man lang daw Sarah Geronimo.



HINDI rin nakaligtas sa mga kausap namin ang pansinin ang kakaibang glow at pride umano kay Bea Alonzo na kasama ang BF na si Vincent Co sa Day 2 ng concert nina Vice at Regine.


Pagpasok pa lang daw sa gate ay pinagkaguluhan na ang mga ito at may ilang concertgoers na pinagbigyang mapiktyuran sila at makipag-hi and hello.

Sa ilang beses din daw na napopokus ang mga ito ng giant monitor while enjoying the antics of Vice Ganda or the sweet songs by Regine, halata raw na inlabey sa isa’t isa ang dalawa.


“Pero in fairness kay Bea, ha, nu’ng portion na nilalait ni Vice sina Cristy (Fermin) and co. at binanggit nitong kakampi nila si Bea, nag-smile lang si Bea at may pa-muwestra pa itong tila nagsasaway o gustong sawayin si Vice,” kuwento pa ng kausap namin.


Ang parehong mga sources din ay naaliw sa pagkukumpara sa kanila ni Atasha Muhlach na sa ngayon nga ay nali-link kay Jacob Ang, anak ng SMB top boss na si Ramon Ang.

“Dati, mga pulitiko at artista ang madalas na pinag-uusapang kombinasyon. Ngayon, matataas na tao sa negosyo at mga kaedad lang nila kaya’t bongga,” hirit pa nila.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page