top of page
Search
BULGAR

Benepisyo ng dialysis, papalo na sa P1 milyon kada taon

by Info @Brand Zone | Oct. 16, 2024




(Updated — October 14, 2024 | PR No. 2024-0018) Sa loob lamang ng tatlong buwan ngayong taon, dalawang beses  itinaas ng PhilHealth ang benepisyo nito  sa hemodialysis na aabot na sa P1 milyon  kada taon kada pasyente. Unang  ipinatupad ng PhilHealth noong Hulyo ang umento mula P2,600 sa P4,000 kada  sesyon, at ngayong Oktubre ay itinaas pa  sa P6,350.  


Inilathala at epektibo noong Oktubre 9,  2024 ang PhilHealth Circular No. 2024- 0023, ang polisiyang nagtataas sa  nasabing pakete para sa mga miyembro at  qualified dependents nila na may chronic  kidney disease stage 5 (CKD5). Maaari  nilang magamit ang pinagbuting  benepisyo sa alinmang accredited dialysis  facility na malapit sa kanila.  


“Ito ay patunay na hindi lamang  nakikinig ang PhilHealth sa hinaing ng  ating mga miyembro. Tinutupad namin  ang aming pangako para makatugon ang  ating mga benepisyo sa pangangailangan  ng mga pasyente na siyang layunin ng  Universal Health Care Law”, pahayag ni  Emmanuel R. Ledesma, Jr., Pangulo at  Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth. 


Binigyang-diin ni Ledesma na sa kabila ng  pagtaas ng reimbursement rate ng PhilHealth na P4,000 kada sesyon noong  Hulyo ay nakatatanggap pa rin sila ng ulat  ng mga pasyenteng malaki pa rin ang binabayaran sa kanilang dialysis. “Layunin naming mawala na ang anumang  bayarin sa mga serbisyong kailangan  nila, dapat maramdaman nila nang lubos  ang kanilang benepisyo.”  


Nagpasalamat din siya sa PhilHealth  Board of Directors sa pamumuno ni  Health Sec. Ted Herbosa sa mabilis na  pag-apruba sa umento sa benepisyo na walang dagdag-bayad sa pasyente.  Paliwanag pa ni Ledesma, nakatulong din  nang malaki ang kooperasyon at suporta  ng mga nephrologists at dialysis centers  para masigurong wala nang co-payment  ang pasyente sa tuwing nagda-dialysis.  


Sa pagtaas sa P6,350 kada sesyon, aabot  na ang benepisyo hanggang P990,600  bawat taon. Ito ay mula sa P624,000 sa  dating P4,000 kada sesyon.  


Isinaad din sa nasabing Circular ang mga  serbisyong dapat ibigay sa mga pasyenteng  may CKD5. Kasama rito ang anti coagulation medications at gamot sa  anemia, iba’t ibang laboratory tests, mga  supply gaya ng dialyzers, hemodialysis  solutions at isang dialysis kit kada sesyon.  Sakop din ng pakete ang paggamit ng  dialysis machines, pasilidad, utilities, at  sweldo ng mga kawani ng pasilidad. Ang  lahat ng serbisyong ito ay dapat ma-avail sa lahat ng accredited public at private  hemodialysis facilities sa bansa. 


Samantala, ang mga pasyenteng  mangangailangan naman ng karagdagang  serbisyo na hindi kasama sa minimum standard of care na itinakda sa Circular ay  maaaring magkaroon ng dagdag-bayad.  May itinatakda ring hanggang P450 na  limit para sa professional fees sakaling  mangailangan ng karagdagang serbisyo  tulad ng telemedicine at/o agarang  interbensyon para sa komplikasyon  habang nasa sesyon ng dialysis. Ayon sa  PhilHealth, dapat linawin ito ng pasilidad  sa pasyente.


“Magandang balita para sa aming mga  dialysis patient ang pagtaas ng dialysis  package na handog ng PhilHealth”, ito  naman ang nasabi ni Roseanne Lappay,  isang CKD 5 patient mula sa Tabacalera,  Pateros.  


Patuloy namang pagtitiyak ni Ledesma sa  lahat ng mga miyembro ng PhilHealth,  “Kapag ipinangako namin, ginagawa po  namin sa PhilHealth. Kaya ang  panawagan ko sa lahat ng Pilipino,  huwag na po kayong matakot sa  pagpapagamot dahil sagot kayo ng  PhilHealth!


 

ERRATUM 

October 16, 2024 


Subject: Clarification on the effectivity date of increased PhilHealth dialysis  package to P6,350/session 


We wish to clarify that the publication and effectivity date of PhilHealth Circular No. 2024- 0023 is October 9, 2024 and not October 7, as earlier disseminated through PR No. 2024- 0018. 


We apologize for any inconvenience that this oversight may have caused.  


The revised press release is available at the PhilHealth website and FB page for reference. For  additional questions, please call our Action Center Hotline at (02) 8662-2588. Thank you.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page