top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Beneficiaries na ipinangbibisyo ang ayuda, tanggalin

BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

@Editorial | November 30, 2022


Inilabas na ng Department of Budget and Management ang P5.2 bilyong pondo para sa one-month requirement ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Kinuha ang pondo sa Special Allotment Release Order (SARO) sa Unprogrammed Appropriation.


Sakop ng pondo ang ikatlong tranche ng TCT program ng DSWD na aabot sa 9.8 milyong benepisaryo.


Sa ilalim ng TCT program, makatatanggap ang mga mahihirap na pamilya ng tig-P500 na naapektuhan ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.


Anim na buwan na nakatanggap ng ayuda ang 9.8 milyong benepisaryo.


Una rito, nag-release na ang DBM ng P10.33 bilyong pondo sa DSWD para sa dalawang buwang cash transfers sa 10 milyong target household beneficiaries.


Nabatid na ang P5.2 bilyong ini-release ng DBM ay bahagi ng P9.1 bilyon na computed requirement para sa isang buwang ayuda sa 9.8 milyong identified beneficiaries at tatlong buwang additional 2.6 milyong benepisaryo ng TCT program.


Ang problema, may ilang ulat na ginamit lang ayuda sa pambili ng ilegal na droga.


Nakapanlulumong isipin na mismong kababayan ang nagtulung-tulong sa pondong 'yan pero ipinangbisyo lang.


Maliit man o malaking halaga ang natatanggap mula sa gobyerno, dapat natin itong gamitin sa tama at hindi sa droga, yosi, alak o sugal.


Panawagan sa pamahalaan, sinumang mahuhuli sa ganitong gawain ay alisin agad sa listahan. Marami ang nangangailangan na mas karapat-data sa ayuda, sa kanila ito dapat mapunta.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page