Bebot na kailangang mag-first move sa crush para walang pagsisihan sa future
- BULGAR
- Nov 16, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 16, 2021
Dear Maestro,
Matagal na akong sumusubaybay sa inyong kolum at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kumonsulta sa inyo. May crush ako at tawagin na lang natin siyang Alfred, gayundin, siya ay mahiyain, kaya hindi ko malaman kung may crush din siya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin para maging kami?
Sa edad ko kasing 21 sa January 7, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Siya na ba ang magiging first boyfriend ko kahit hindi niya ako nililigawan o darating din ba ang araw na liligawan niya ako? May 2, 2000 naman ang kanyang birthday, compatible ba kami at ibig sabihin ba nito, liligawan niya rin ako?
Umaasa,
Ms. Cute ng Matala, Ibaan, Batangas
Dear Ms. Cute,
Hindi porke compatible kayo ng crush mo sa aspetong Astrology at Numerology ay mawawala na ang pagkamahiyain niya. ‘Yung compatible kayo sa Astrology dahil parehong earth element o lupa ang sumasakop sa zodiac sign mong Capricorn at Taurus naman siya ay masasabing okay naman, gayundin ang pagiging tugma ng birth date mong 7 sa birth date niyang 2 ay maganda at sakto pa rin. Pero ang hindi okey na mahirap ngang masawata o mapilit ay ang pagiging mahiyain niya.
Samantala, kung wala naman siyang ibang nililigawan at mas malamang na wala dahil ikaw ang may sabing mahiyain siya, puwedeng ikaw na ang unang gumawa ng paraan upang maging magkaibigan at magkalapit ang loob n’yo sa isa’t isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang naranasan ng iba na sa wala nauwi ang pagkagusto sa opposite sex dahil sa pagiging mahiyain o pagka-torpe.
Ang masaklap pa nito, ‘pag kapwa na nakapag-asawa, hindi rin naging successful ang kanilang pamilya dahil nagkahiwalay o hindi rin naging masaya, kaya sa tuwing hindi sinasadyang nagkikita sila, kapwa panghihinayang ang natitira.
Kaya bago mahuli ang lahat, Ms. Cute, kilalanin at alamin mo ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, trabahuhin mo rin kung sino ang malalapit niyang mga kaibigan, at ang mga datos na ‘yun ang gawin mong entry point upang magkalapit kayo ng loob.
Sa nabanggit na diskarte, ‘ika nga ay naibigay mo na ang iyong parte upang makabuo kayo ng relasyon at ang hinihintay na lang ay ang kaunti niyang effort upang tuloy-tuloy kayong maging magkasintahan at kapag hindi pa rin kayo nagkatuluyan, wala kang panghihinayang na mararamdaman.
Kaysa naman hindi mo ginawa ang makakaya mo at nang lumipas ang panahong kapwa nagkaroon kayo ng karelasyon, tulad ng naipaliwanag na, nakapag-asawa na kayo, pero sa tuwing kayo ay magkikita at magkakatagpo, nandu’n pa rin ang hindi maipaliwanag na pagkagusto sa isa’t-isa, pero batid n’yong wala nang pagkakataon o dahilan pa upang muli kayong mag-ugnay dahil kapwa kayo may kani-kanya nang pamilya.
Habang may pagkakataon pa, ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2022, tiyak ang magaganap sa edad mong 21 pataas. Magkaka-boyfriend ka na at siya ay isinilang sa petsang 2, 11, 20 o 29 na palagi o madalas magsuot na kulay berde o puting damit. Kung tutugon ang crush mo sa nasabing deskripsiyon, ngayon pa lang, may dahilan upang magsaya at mag-celebrate ka na, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ka ng boyfriend — sinadya man o hindi— na siya ring lalaking malaon mo nang gustong mahalin habambuhay.




Comments