Bebot na chubby at ‘di katangkaran, makikilala ng binatang atat magka-GF
- BULGAR

- Dec 30, 2020
- 1 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 30, 2020

KATANUNGAN
Marami naman akong nililigawan, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong girlfriend?
Sa edad ko kasing 27, sabik na sabik na akong magka-girlfriend, lalo na kapag nakikita kong may kani-kanya nang girlfriend ang mga barkada at kaibigan ko. Wala akong GF, kaya ngayon ay palagi akong malungkot.
Sa palagay n’yo, Maestro, kailan ako magkaka-girlfriend at mangyayari na ba ito sa susunod na taong 2021?
KASAGUTAN
Ayon sa kaisa-isang maganda at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay nagsasabing ‘wag ka nang malungkot, sapagkat tinitiyak ng mga guhit na ito na magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Sinasabi rin ng guhit ng iyong palad na ang unang magiging girlfriend mo sa 2021, na dahil na rin sa iyong kasabikan, malamang na siya na rin ang mapapangasawa at makakasama mo nang pangmatagalan sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya. Siya ay nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius, na ayon sa zodiac sign mong Libra kung saan ang babaeng nabanggit ay makikilala mo sa pamamagitan ng modernong komunikasyon.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Libra Boy, hindi ka na dapat pang malungkot sa kasalukuyan. Sa halip, ikaw ay dapat magsaya dahil tulad ng nasabi na, ngayon pa lang, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sa 2021, sa buwan ng Abril o Mayo, magkaka-girlfriend ka na. At ang nasabing babae na medyo chubby ang pangangatawan na mababa ang height ang siya mo na ring mapapangasawa at tuluyang makakasama sa pagbuo ng simple, pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments