top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bebot na 2 ang dyowa, bet nang magseryoso para makapag-asawa

BULGAR
Jul 1, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 01, 2021


Dear Maestro,


May dalawa akong boyfriend, kaya sana ay matulungan n’yo akong mamili nang tama. ‘Yung isang boyfriend ko ay legal at ‘yung isa naman ay ilegal o lihim lang. Legal ang tawag ko kay Mr. Gemini dahil siya ang ipinakikilala kong boyfriend sa mga kaibigan at kaanak ko. Si Mr. Virgo naman ay ilegal dahil lihim lang ang relasyon namin – walang nakakaalam bukod sa aming dalawa.


Pareho ko silang mahal, pero mas matimbang nang kaunti si Mr. Virgo dahil kahit alam niya na boyfriend ko si Mr. Gemini, hindi siya nagagalit sa akin at inuunawa niya ang kalagayan ko. Ngunit sa kabila nito, nakokonsensiya na rin ako kaya balak kong isa na lang sa kanila ang piliin ko upang mapangasawa.


Sino sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin at mapangasawa upang ako ay magkaroon ng maligayang pamilya? June 13, 1994 ang birthday ni Mr. Gemini, si Mr. Virgo naman ay September 13, 1994, habang September 28, 1995 ang birthday ko.


Umaasa,

Edralyn ng Santa Clara, Quezon, Nueva Ecija


Dear Edralyn,


Tumpak ang binabalak mong mamili ng isang pananatilihin sa dalawang boyfriend mo. Ayon sa zodiac sign mong Libra na may elementong air o hangin at birth date na 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1), sa destiny number na 7 (9+28+1995=2032/ 20+32=52/ 5+2=7), mas angkop sa iyo si Mr. Gemini na may birth date na 4 o 13 (dahil ang 13 ay 1+3=4). Ang kanyang zodiac sign na Gemini na may elemento ring air o hangin tulad mo at may destiny number na 6 (6+13+1994=2013/ 20+13=33/ 3+3=6), na siya ring numero ng zodiac sign mong Libra na may ruling planet na Venus, kaya naman suwetong-suweto kayo sa isa’t isa.


Kaya kung si Mr. Gemini ang higit na ka-compatible mo kung ikukumpara kay Mr. Virgo, tama ang iniisip mo na mamili sa kanilang dalawa. Gayundin, kung si Mr. Gemini ang pipiliin mo, tama lang na makipagbreak ka agad kay Mr. Virgo — dapat nang palayain mo siya, ganundin ang iyong sarili sa kasalukuyang kahangalan dahil sa inyong lihim na relasyon.


Sa ganyang paraan, dahil naging tapat ka na sa iyong boyfriend at sa iyong sarili, tiyak ang magaganap — sa panahon ng iyong pag-aasawa, may pangako ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 27 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page