top of page
Search
  • BULGAR

Bebot, hopeless matagpuan si ‘Mr. Right’

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Marso 26, 2024



 


KATANUNGAN


  1. Minsan na akong nabigo sa pag-ibig at hindi lang isang beses kundi marami na. Dahil dito, parang ayaw ko nang umibig pang muli dahil baka mabigo na naman ako. Kaya lang, natatakot naman akong tumandang dalaga at habambuhay na nag-iisa.

  2. Maestro, dapat ba muli akong magtiwala sa mga lalaki? Natatakot kasi akong lokohin at abusuhin muli ang aking kahinaan.

  3. Sa ngayon may isa po akong anak sa pagkadalaga at nais kong sa kanya na lang ibuhos ang buong buhay ko.

  4. Dapat bang umibig akong muli at mag-asawa o ‘wag na lang?  May guhit ba sa palad ko na nagsasabing susuwertehin ako?


 

KASAGUTAN


  1. Ganito ang sabi ng isang dakilang American Author na isang bingi at bulag sa katauhan ni Helen Keller, “When one door of happiness closes, another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has been opened for us.” Tingin kasi tayo nang tingin sa saradong pinto ng dating nawalang kaligayahan, pero ang hindi natin napapansin, marami pang bagong pinto ang kusang nabubuksan upang tayo ay muling lumigaya at magmahal.

  2. Suwetung-suweto ang kasabihang sinipi sa itaas sa mga taong bigo sa pag-ibig, kung saan ang nakaraang kabiguan nila ang palaging naaalala at tinitingnan, kaya tuloy ang mas magagandang oportunidad ng buhay na abot-kamay na nila ngayon ay hindi namamalayang dumadating na pala. Pero dahil sa kasawian tayo nakatingin, ang ligaya sana ngayon ay tuluyang umalpas.

  3.  “Umibig kang muli at magmahal”— ‘yan ang nais ipagawa sa iyo ng gumanda at naayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi (arrow a.) ng kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung maluwag sa loob mo na kalimutan ang mga nakaraang kabiguan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, suwabeng-suwabe na darating sa iyong harapan ang mas masaya at matagumpay na pakikipagrelasyon. Ito ay madali namang kinumpirma ng ikalawang mas malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa edad mong 25, hindi imposibleng makatagpo ka ng lalaking tapat, mabait at matino na iibigin ka habambuhay, hindi dahil sa iyong nakaraan kundi dahil kung ano ka ngayon.

 


DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, Ashanna, sa taon ding ito ng 2024, muli mong buksan ang iyong puso, limutin ang nakaraang kabiguan at umibig muli para pagsapit ng taong 2025, sa buwan din ng Oktubre hanggang Nobyembre, isang tapat at wagas na pakikipagrelasyon ang mararanasan mo. Ito ay hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo, kung saan ang iyong relasyon ay hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page