Bebot, gustong makasigurado kung sino sa mga ka-chat ang ka-compatible at makakatuluyan
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 19, 2023
Dear Maestro,
Sa edad kong 41, nararamdaman ko nang malapit na akong tumandang dalaga. May mga ka-chat naman ako at kaibigan sa social media.
Nais ko sanang malaman kung isa na kaya sa kanila ang mapapangasawa ko? Tatlong lalaki ang regular kong nakakausap sa social media. Ang una ay si Mr. Aquarius na isinilang noong February 6, 1980, pangalawa, ay si Mr. Sagittarius na isinilang noong December 1, 1979 at ang panghuli ay si Mr. Libra na isinilang noong October 13, 1981.
Sino sa tatlong lalaking ito ang ka-compatible ko? Isa na kaya sa kanila ang mapapangasawa at makakasama ko sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya?
Ang birthday ko ay September 1, 1982
Umaasa,
Anne ng San Pedro, Masantol, Pampanga
Dear Anne,
Ayon sa zodiac sign mong Virgo, Anne, hindi mo katugma si Mr. Aquarius, gayundin si Mr. Sagittarius, sa halip ang tunay mong katugma at ka-compatible ay si Mr. Libra.
Dagdag dito ang birth date mong 1 ay compatible rin sa birth date na 13 o 4 (1+3=4) ni Mr. Libra, kaya nga sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang duda si Mr. Libra ang higit mong ka-compatible at tunay na katugma.
Nangyari, magkatugma kayo sa Astro-Numerology, dahil ang Libra ay madalas na nakakasama ng isang Virgo at ang Virgo na tulad mo ay tuwang-tuwa namang makasama ang isang Libra.
Hahangaan ka niya dahil sa galing at katalinuhan ng isang Virgo, kaya naman sa ikaapat na theorya ng compatibility, “ang magkakapitbahay na zodiac sign ay magkakatugma rin”, tulad nga ng Virgo at Libra ay swak na swak kayong dalawa.
Sa Numerology naman tulad ng nasabi na, ang 4 at 1 ay magkakambal na numero, kung saan ang Sun na ruling planet ng 1 ay lagi ring tugma sa Uranus na ruling planet naman ng 4.
Kaya sa susunod na mga araw o sa paglipas ng ilan pang mga buwan, tiyak ang magaganap, tuluy-tuloy ng yayabong ang inyong relasyon at pagmamahalan hanggang sa personal kayong magkita, at sa sandaling magkita kayo, magkakapalagayan agad ang loob n’yo, na sa bandang huli, tulad ng nasabi na, dahil tugma at compatible kayong dalawa, kayo na nga ang magkakatuluyan at pormal nang magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025, sa edad mong 43.




Comments