top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Beauty products, wasak nang makarating sa reseller abroad…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2021
3 min read

KRIS, UMAMING NALUGI SA NEGOSYO NA MILYON ANG PUHUNAN, NAG-IIYAK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 16, 2021




Naiyak sa sama ng loob ang aktres na si Kris Bernal matapos mawalan ng malaking halaga dahil ang mga ibinebenta niyang SHE make-up products na ipinadala niya sa reseller niya sa ibang bansa ay nasira.


Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ay ikinuwento ng aktres-cum businesswoman ang buong pangyayari.


Bungad niya, “As you all know, I’m also the one who packs the SHE products may it be local or international. This is my first time ever in my 2 years of operating SHE, it arrived to my reseller as damaged. Grabe, I lost a lot of money because of this. And, caused me a lot of stress! I don’t know if it was due to my shortcomings or my courier. Bahala na kayong maghusga!


“Paano ko ipinapadala o paano ko tsine-check na walang damage ‘yung ipapadala ko sa inyo? Sealed po siya here on top (sabay pakita sa kahon). So, bago po ako magpadala ng items ay tsine-check ko po isa-isa. And then I check everything – buo, walang tunaw, walang sira, walang sign of any damage.”


Pagkatapos ay ikinuwento na nga ni Kris ang nangyari sa kanyang mga produkto nang i-ship niya pa-United Kingdom.


“Sobrang nakaka-stress, sobrang traumatic, nagulo ang buhay ko. Na-depress ako in all honesty. Hindi ko akalaing makikita kong ganu'n ang cosmetics ko. 'Yung cushion na pinaghirapan ko, natunaw, nasira nang hindi ko alam kung paano.


“You know naman that SHE cosmetics is solely own by me! Ako lang naman lahat from formulation, to branding, to marketing, to operations, to shipping your products and in all honesty, araw-araw akong nagsi-ship ng SHE cosmetic products. Araw-araw, may dumarating na couriers sa akin to pick up the items, to pick up the parcels and never in my entire operating SHE cosmetics nangyari sa akin ito."


Ang ilan daw sa mga posibleng nagiging problema niya ay nale-late ang shipping ng item or may damage sa box o kaya ay napapatungan ng mabigat, pero ngayon lang daw niya na-encounter na nasira ang product.


"First time nga nangyari ito. Nasira lahat, 20 pieces the cushion, nag-melt. Sobrang heartbreaking Shezums (tawag niya sa fans niya). Hindi ko akalain na shipping can be so challenging din to understand how fragile your box is."


Tumatanggap na raw siya ng mga resellers sa ibang bansa tulad sa USA, Canada, Japan, Australia, Hongkong at Hawaii at ang dami na niyang nai-ship na products pero never siyang nagkaroon ng problema.


Itong huling tinanggapan niya bilang reseller sa UK na pinangalanan niyang "Lorna" ay umorder sa kanya ng 20 pirasong SHE cosmetic cushion foundation. At binanggit din niya ang courier na nag-ship naman nito sa bansa ng bagong reseller sa loob lang ng dalawang araw.


“Maganda ang plano ni Lorna na siya ang maging reseller all over Europe at siyempre, excited ako kaya inabangan ko. Tapos, sabi ko, 'Kumusta na? Okay ba?' Tapos, sabi niya, nasira lahat. Ang sama rin ng loob ng reseller ko (sabay pakita sa video na sira lahat ang produktong dumating.)


“Sabi ko kay Lorna na pakibalik ang products at ibinalik ko ang ibinayad niya sa akin. Full refund siyempre. Hindi naman niya deserve na ang dumating na products ay sira-sira. At heto, bumalik na sa akin at bubuksan ko now,” kuwento ni Kris.


Isa-isang ipinakita ni Kris ang mga produktong natunaw na ikinatataka niya dahil sa iba naman ay okay at inaming milyones ang inilabas niyang puhunan para magpagawa ng SHE cosmetics per order.


“After nito, nagpadala na rin ako sa Bahrain sa Germany at wala nang ganitong incident kaya sa future resellers ko, huwag kayong mag-alala dahil safe na lahat,” sabi pa ni Kris.


Kaya dahil sa pangyayaring ito ay nagbigay ng tips ang aktres ng tamang pagpa-pack ng items for shipping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page