Bea, pangarap lang noon, natupad na ngayon…ALDEN, SI LISA NAMAN NG BLACKPINK ANG GUSTONG MAKUHA
- BULGAR

- Dec 18, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 18, 2020

Hindi itinatanggi ni Alden Richards na crush niya ang singer na member ng Blackpink na si Lisa Manoban.
Pero, itinanggi ni Alden na may ka-long-distance affair siya na isang socialite mula sa Hong Kong. Crazy over heels daw kasi talaga ang Pambansang Bae kay Lisa.
Sa isang panayam, sinabi ng Kapuso actor na walang katotohanan ang lumalabas na balitang may LDR siya. Ipinagdiinan pa niyang hanggang ngayon ay single pa rin siya.
“That’s not true. There’s no ano (LDR),” sey ng Multimedia actor.
Ayon pa sa Eat… Bulaga! host, open siyang makipag-date. At dream pa rin daw niyang maka-date ang Korean singer na si Lisa.
Sambit ni Alden, “Yes. Yes, please kung kaya. Ma-meet ko nga lang, eh, jusko, Lord! Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko ngayon pa lang."
One day, siguradong matutupad ang dream ni Alden na ma-meet in person ang kanyang ultimate crush, tulad ng nangyari sa kanila ni Bea Alonzo.
Noon, laging sinasabi ni Alden na gusto niyang makatrabaho ang kanyang idol na si Bea. And now, here they are, magkakasama na sa Pinoy adaptation ng isang Korean telenovela.





Comments