top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bawat sentimo sa kaban ng bayan, mahalaga, bantayan!

BULGAR
Jan 18, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 18, 2023


Good news na naibalik na sa kaban ng bayan o national treasury ang mahigit P1 bilyong pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na para sana sa ‘WiFi’ project.


Matatandaang ang nasabing halaga ay inilipat ng DICT sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na para sana sa NCR Fiber Optic Backbone Development and Network Resiliency project na isa sa mga hotly-contested issue bago matapos ang 2022.


Base sa imbestigasyon, hindi awtorisado ang ginawang paglilipat ng pondo at malinaw na paglabag sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.


Ang mga practice of interagency transfers ng pondo ay dapat lamang na busisiing maigi ng House of Representatives at ng Department of Budget and Management (DBM).


Sa pamamagitan nito’y nasisigurong napupunta sa tama ang pera ng taumbayan, ng mga taxpayers.


Para sa mga nasa gobyerno, magsilbi sana itong paalala na palaging sumunod sa batas at huwag ipilit ang mali.


Iwasan nating magkaroon ng duda ang mamamayan pagdating sa usapin sa pondo dahil sa hirap ng buhay, bawat sentimo sa kaban ng bayan ay napakahalaga. Hindi dapat nasasayang o napupunta sa kapalpakan, lalo na sa bulsa ng sinuman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page