top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Batok ni Gadon hinimas ni P-BBM, at pagkaraan saka binatukan ng SC

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 29, 2023



MAHARLIKA INVESTMENT FUND AT ESTATE TAX AMNESTY NA INAPRUB NG MGA SENADOR, PABOR SA MGA KURAKOT AT TAX EVADER -- Hindi lang ang Maharlika Investment Fund (MIF) ang inaprub ng mga pro-Marcos senators, kundi pati ang Estate Tax Amnesty.


Tingnan n’yo ang pinaggagawa ng mga na-elect na senador, pulos pabor sa mga kurakot at plunderer mga ginagawa nilang batas.


Pabor sa mga kurakot ang Maharlika Investment Fund kasi sa oras na makurakot ang pondo rito, tax payers ang mananagot sa pagbabayad. At ‘yung mga nangurakot, sa probisyon ay hanggang 10 years to 20 years bago sila makasuhan. Sa kabilang banda, pabor naman sa mga tax evader ang Estate Tax Amnesty kasi sa probisyon nito, hanggang year 2025 ay hindi sila puwedeng singilin ng tax ng pamahalaan, buset!


◘◘◘


‘LOVE THE PHILIPPINES’ NA PANGHIMOK DAW SA MGA TURISTA, PALPAK --Pinutakti nang batikos ng netizens ang pagtanggal nina Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at Tourism Sec. Christina Frasco sa slogan ng Dept. of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines” at ang ipinalit dito ay “Love the Philippines.”


Mababatikos talaga, kasi ang totoong panghihikayat sa mga turista ay ang slogan na “It’s More Fun in the Philippines” at hindi ang “Love the Philippines,” dahil sa bagong slogan na ito ay mistulang inoobliga ang mga dayuhang turista na “mahalin ang Pilipinas” gayong may sarili naman silang minamahal na bansa.


Maraming Pinoy ang nanawagan kina P-BBM at Sec. Frasco na panatilihin na lang ang slogan na “It’s More Fun in the Philippines,” ang problem, ayaw ng Marcos administration, at pinanindigan na nila ang kapalpakan nila sa slogan na panghihikayat daw sa mga turista na “Love the Philippines,” tsk !


MATAPOS HIMASIN NI P-BBM ANG BATOK NI GADON, SAKA ITO BINATUKAN NG SC -- Sa dalawang magkasunod na araw ay tuwa’t iyak ang inabot ni Larry Gadon.


Sobrang natuwa siya nang italaga siya ni P-BBM bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation (PAPA). Pero hindi man niya aminin ay tiyak napaiyak siya nang sa botong 15-0 ng mga mahistrado ay dini-disbar na siya ng Supreme Court (SC) sa pagiging abogado dahil sa kanyang masamang asal sa kapwa.


Kumbaga, noong June 27, 2023 ay mistulang hinimas ni P-BBM ang batok ni Gadon nang italaga niya itong head ng PAPA, pero kinabukasan (June 28), mistula naman siyang binatukan ng SC nang tanggalin siya sa pagiging abogado, boom!


2 DESISYONG PALPAK NI P-BBM -- Sa dalawang magkasunod na araw din ay palpak ang dalawang naging desisyon ni P-BBM.


Ito ay nang italaga ang bastos na si Gadon bilang head ng PAPA, at ang slogan ng DOT na “Love the Philippines” kahit na hindi naman pangturista ang ganitong uri ng slogan, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page