Bathtub at inidoro, ginastusan nang milyones, pero…
- BULGAR

- Nov 21, 2020
- 1 min read
VICE, AYAW MAGLABAS NG PERA PANTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAHA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 21, 2020

Marami ang pumupuna ngayon kay Vice Ganda dahil kailangan pa niyang manghingi ng donasyon sa kanyang mga fans para lamang makalikom ng pantulong sa mga binaha at binagyo.
Kung tutuusin, bilyon na ang naipon-naipundar na properties ni Vice at kaya naman niyang maglabas kahit isang milyong piso para i-donate sa mga binaha na nangangailangan ng ayuda!
Dati nang ipinasilip sa publiko ni Vice Ganda ang ipinatatayo niyang mansion. Bathtub pa nga lang ng kanyang banyo ay worth P800 thousand na at ang toilet bowl naman ay P250 thousand.
Bongga rin kung magregalo si Vice sa BF niyang si Ion Perez. Puro branded na gamit ang ibinibigay niya sa karelasyon.
Pero, pagdating sa pagkakawanggawa ay tikom ang palad ni Vice Ganda kahit na may pandemya at kalamidad pa.
Secure na secure na kasi ang kanyang future at hindi na siya maghihirap pa! Kahit na ten years pa na hindi siya magkaroon ng show, sobra-sobra na ang kanyang savings upang mabuhay nang maginhawa!





Comments