top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Batas sa overloading ng mga sasakyan, repasuhin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 27, 2023


Upang maresolbahan ang problema sa isa sa mga pangunahing arterial highway ng bansa, susuriin ng mga ahensya ng gobyerno ang mga regulasyon at panuntunan na magpaparusa hinggil sa overloading ng mga sasakyan.


Ayon sa Board of Investments (BOI), nag-organisa na sila ng inter-agency meeting kamakailan, kung saan ilang ahensya ng pamahalaan ang sumang-ayon na repasuhin ang mga implementing rules and regulations patungkol sa Republic Act No. 8794, o mas kilala bilang “An Act Imposing a Motor Vehicle User’s Charge on Owners of all Types of Motor Vehicles and for Other Purposes”.


Ito ay bilang tugon ng kagawaran sa patuloy na isyu ng overloading sa North Luzon Expressway (NLEX). Ang NLEX ay isang 105-kilometrong road system na nag-uugnay sa Metro Manila sa Central at Northern Luzon.


Giit ng BOI na napapanahon ito dahil batay sa mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang ahensya ay bumuo na ng isang special committee upang suriin ang IRR ng R.A. 8794.


Sa napagkasunduan sa pulong, na ang mga pagbabago sa IRR ay dapat isama ang mga bagong uri ng mga truck habang kailangan na magbigay ng na-update na pagtataya ng kabuuang timbang ng bawat sasakyan upang idagdag ang mga dimension nito.


Maganda ang layon na ito ng kinauukulan na repasuhing muli ang batas hinggil sa overloading ng mga sasakyan.


Malaking tulong ito sa pamahalaan sa pagmimintina ng ating mga national at provincial roads, kung saan magiging maayos pa ang paglalakbay ng mga motorista.


Makakaiwas din ito sa anumang posibleng aksidente sa ating mga highways dahil walang magtatangka na mag-overload na mga cargo truck habang ang mga ito ay bumibiyahe.


Sana, patuloy din tayong makiisa at sumunod sa ipinatutupad na mga batas.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page