Batang babae binugbog ng tiyuhin
@Balitang Probinsiya | November 22, 2022
AKLAN—Nasa kritikal na kalagayan ang 7-taong gulang na batang babae matapos bugbugin at paluin ng kahoy ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa bayan ng Alvatas.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Nene”, samantalang ang tiyuhin niyang suspek ay si Gilbert de Pedro, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, hindi sinasadyang natapon ni “Nene” ang binilad na palay ng kanyang tiyuhin na ikinagalit ng suspek kaya binugbog nito ang biktima.
Nabatid na may nag-report sa mga awtoridad na binugbog ni Gilbert ang kanyang pamangkin kaya inaresto ito, samantalang inoobserbahan pa ngayon sa ospital ang biktima.
Nahaharap si Gilbert sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children at child abuse.





Comments