top of page
Search
  • BULGAR

Bata patay, 5 naospital sa pagkain ng adobong palaka

ni Lolet Abania | January 15, 2021



Isang bata ang namatay habang lima ang dinala sa ospital matapos na kumain ng adobong palaka sa General Santos City kahapon.


Nakaramdam ng panghihina at sakit ng katawan ang bata nang kainin niya ang ulam na niluto ng isang tagaroon sa barangay.


Hindi na naisugod pa sa ospital ang bata. Wala namang ibinigay na ulat sa pagkakakilanlan nito.


Habang ang limang residente sa parehong lugar ay agad na dinala sa ospital na nakaramdam din ng matinding sakit sa katawan matapos na kumain ng adobong palaka.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page