top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Basketball at Football, may go-signal practice na sa IATF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2020
  • 1 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | July 4, 2020




Binigyan ng Inter-Agency Task Force ang pinakahihintay na basbas upang makapag-ensayo muli ang mga koponan ng Basketball at Football. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa kanyang regular na pulong balitaan noong Biyernes ng umaga.


Dahil dito, bukas na rin ang pinto para bumalik ang aksyon sa mga liga kahit wala pang tiyak na petsa kung kailan ang mga ito. Ang Qatar Airways Philippines Football League (PFL) ay unang nagpanukala na magsisimula ang kanilang bagong taon ngayong Hulyo habang nais ng Philippine Basketball Association (PBA) na tapusin ang naudlot na Philippine Cup noong Marso 8.


Maliban sa mga mataas na antas ng Football at Basketball, pwede na rin mag-ensayo ang ibang mga koponan pati ang mga varsity ng paaralan. Maari na ring mag-ensayo ang mga koponan sa 3X3 upang magbukas na ang 2020 Chooks To Go Pilipinas 3X3 President’s Cup na dapat ay noong Marso 29 sa SM City Fairview.


Ang plano ay magsimula sa maliit na grupo hanggang pwede na magsabay ang buong koponan. Susundan pa rin ang mahigpit na protocol lalo na ang social distancing, pagsuot ng maskara at pananatili ng pansariling kalinisan.


Hindi kasama sa utos ang iba pang mga team sports gaya ng Volleyball. Bago nito, ang mga individual non-contact sports lang ang pinapayagan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) tulad ng jogging, bisikleta, Golf at Tennis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page