top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Basheirrou, inaabangan sa 3rd Leg Triple Crown

BULGAR
Jul 24, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 23, 2022


Dumating na ang araw na hinihintay ng mga karerista, ito'y ang pagtakbo ni Basheirrou sa magaganap na 2022 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes race na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Pakay ng connections ni Basheirrou na masikwat ang panalo sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo upang maukit ang pangalan ng kanilang pambato sa history ng karera.


Puro na ang Pag-aari ng Rancho Sta. Rosa at hinahanda ng trainer na si Ruben Tupas na si Basheirrou sa pagwalis ng triple crown series matapos nitong maipanalo ang first at second leg.


Kaya maugong ang breed ni Melanie Habla at anak nina Brigand at Allemeuse na si Basheirrou na mananalo sa karera na may distansyang 2,000 meter race at pakakawalan sa pang-siyam na karera.


Rerendahan muli ni class A rider Kelvin Abobo, posibleng magbigay ng magandang laban kay Basheirrou ay sina sina first leg second placer Jungkook (Low Profile-Liquid Oxygen) na kabayo ni Joey Sevilla at Radio Bell (Radioactive Love by Sakima) mula sa Bell Racing Stable.


Bukod kina Jungkook at Radio Bell, makakatagisan ng bilis ng 3-year-old horse, Basheirrou sina Brother Son, Charm Campaign, Enigma Uno at Gomezian.


Nakalaan ang P3.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"This will surely be another day of racing the public will enjoy with the Triple Crown feat on the line, not to mention the WTA carry-over," saad ni de Leon.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P2.1M, kukubrahin ng second placer ang P787,500 habang mapupunta sa 3rd at 4th ang tig-P437,500 at P175,000 ayon sa pagkakasunod.


Huling kabayong nakawalis ng triple crown series ay si Heneral Kalentong noong 2020 habang ang una ay si Fair And Square noong 1981.


Samantala, isasalang din ngayong araw ang Hopeful Stakes race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes race, may 13 karera ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern


Race 1 - Pilya, Cinderella King, Ariana

Race 2 - Determinado, No Problem/Bonifacio, Sweet City

Race 3 - Kipitaki, Phenom, Fortress

Race 4 - Winged Heart, Lauriatisimo, Colony Bell

Race 5 - The Queen, Heirloom, Meghan Maxene/Noh Sen Young Yana

Race 6 - KaBoom, Pharaoh's Fairy

Race 7 - Lucky Noh Noh, Shine, Basket Of Gold

Race 8 - Achi Holly, Macabebe, Wishful Thinking

Race 9 - Basheirrou, Gomezian

Race 10 - It's A Deal, Don Damiano, Space Jam

Race 11 - Humidor, Margaux, Jambo

Race 12 - Patong Patong/Asiong, Lava Walker

Race 13 - Rockaway, Hee Nieve Rahh, Big Hook


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page