top of page
Search
  • BULGAR

Base sa 12 zodiac signs... Aquarius may pinakamalungkot at pinakamagulong lablayp

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | November 28, 2023


Dear Maestro,

Dalawa ang birthday ko, isang April 2, 1994 at isang January 29, 1994. Alin sa dalawa ang dapat kong gamitin para suwertehin ako at para mapaganda ko rin ang magulo kong kapalaran sa kasalukuyan? Mula nang mag-abroad ako, gumulo na nang gumulo ang kapalaran ko. Naghiwalay na rin kami ng asawa ko, at ngayon may nobyo akong pamilyado na.

Umaasa, Rhyza ng Dubai

Dear Rhyza,

Kapag ang birthday mong January 29, 1994 ang gagamitin mo, gugulo talaga ang iyong kapalaran lalo na pagdating sa pag-ibig, dahil tulad ng naipaliwanag na dati, ang may pinakamalungkot, pinakamagulo at pinakamagarang love life sa 12 zodiac signs ay ang Aquarius. Nangyaring ganu’n dahil ang impluwensya ng planetang Uranus, Pluto at Saturno ay bantad o sadyang nanggugulo sa buhay ng mga taong Aquarius na tinatawag din nating mga taong four.

By the way, kung ang birthday mo namang April 2, 1994 ang gagamitin mong birthday, ikaw ay magiging isang tipikal na Aries na may birth date na 2 sa destiny number na 2 din, dahil ang April 2, 1994 ay kinokompyut ng ganito 4+2+1994=2000/ 20+00=20/ 2+0=2. Ibig sabihin, parehong weak ang birth date mong 2 at destiny number mong 2, subalit strong naman ang zodiac sign mong Aries. Ang birth date mong 2 at destiny number na 2, ay madaling naimpluwensiyahan ng iyong kapwa, at mga kaibigan, kung saan, hindi ikaw ang magsasabi o magtatakda ng iyong kapalaran kundi ang ilang mga taong malalapit at nakapaligid sa iyo.

Samantala, kung ang birthday mong January 29, 1994 ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay may birth date na 2 (dahil ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) sa destiny number na 8, sa zodiac sign na Aquarius. Naging 8 ang destiny number mo dahil ang January 29, 1994 ay kinokompyut ng ganito 1+29+1994=2024/ 20+24=44/ 4+4=8.

Ang birth date mong 4 sa destiny number na 8 sa zodiac sign na Aquarius pagkatapos ng magulo, magara at ‘di maintindihang buhay, kapag nagpatuloy ka sa iyong layunin na umunlad at yumaman, sa bandang huli hindi nga imposibleng umunlad at yumaman ka, dahil sa destiny number mo.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, humigit kumulang magsisimula mo nang maramdaman ang unti-unting pag-unlad dulot ng destiny number na 8, sa susunod na taong taong 2024 hanggang 2028 sa edad mong 30 pataas.

Ibig sabihin, ikaw na ang bahalang pumili kung ano ang gusto mong marating. Sapagkat tulad ng naipaliwanag na, kung April 2, 1994 ang pipiliin mong birth date, magiging okey ang buhay mo, hindi masyadong magulo ang magiging kapalaran pero hindi rin naman masyadong kayamanan.


Sapagkat ang pagyaman para sa mga taong may weak number ay depende sa kanyang mga kasama. Ibang tao kasi ang magpapayaman sa kanya at hindi ang kanyang sariling will power.

Subalit kung January 29, 1994 naman ang pipiliin mong birthday tulad ng nasabi na, may pag-asa kang yumaman. Kaya lang, bago mangyari ang pagyamang iyon, sadyang napakaraming kabiguan, kaguluhan at mga mabibigat na pagsubok muna sa buhay ang iyong kakaharapin at kapag napagtagumpayan mo lahat ang nabanggit na mga pagsubok, saka pa lang magliliwanag ang kapalaran ng buhay mo, at sa nasabing panahon sa edad mong 40 pataas, sa taong 2034, du’n ka palang magsisimulang yumaman at suwertehin.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page