Base raw sa water, air at earth element.. ang pagbabasa ng ugali sa hitsura mga kamay
- BULGAR

- Sep 10, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 10, 2020

Kung si Maestro Honorio Ong ay tinitingnan ang guhit ng palad para malaman ang ugali at kapalaran ng isang tao, heto naman ang isang teknik na sa pamamagitan anila ng hitsura ng kamay ng isang tao ay malalaman na kung ano ang tunay na ugali ng bawat indibidwal.
Kunsabagay, maliit, malaki, manipis, makapal, payat, mataba, butuhin, maugat man ang kamay, mahaba o maigsi ng isang tao ay sadyang magkakaiba talaga ang hugis ng ating mga kamay na pareho rin sa pagkakaiba-iba sa hubog ng ating katawan.
Kahit na ang sinasabi rin na ang ating mga mata ang siyang bintana ng ating kaluluwa, ang atin namang mga kamay ang siyang may sinasabi hinggil sa ating personalidad o karakter. Bakit nga raw ba? Ayon sa mga eksperto magkarugtong daw kasi ang isinasaad ng ating utak sa ginagawa ng ating mga kamay.
Sa ninunong mga Gypsies, nadiskubre nila nang sila ay nag-aral sa bawat hugis ng mga kamay hinggil sa sariling elemento (earth, fire, air at water) "para iugnay sa iba’t ibang ugali kasama ang utak na siyang nagpapakilos sa mga kamay, ang naturang hugis ang nagre-reflect sa iyong neurochemistry,” paliwanag ng hand analyst Baeth Davis (handanalyst. com).
Handa ka na ba na matutunan ang sikreto ng iyong sarili ayon sa hugis ng iyong mga kamay? Kung…
ANG PALAD AY KUWADRADO, AT ANG KAMAY AY MAGAGASPANG NA MAIIGSI AT HALF PALM. Ikaw ang tinatawag na earth hand! Kasing tiyak at kasing tatag ka ng mundo, ikaw ang personahe na tapat. Kaya kung may hahawakan ka mang isang bagay hindi mo ito bibitiwan hanggat’ hindi mo ito natatapos. “Ikaw rin ay meditative, introspective ang kalidad ng ugali, "ani Davis. Ang totoo, ang pagkakaroon ng magkakapantay na kamay ay sinasabing ikaw ay masusing nag-iisip, may malawak na sense of perspective kaya 'di kataka-taka na sinusuwag mo ang lahat ng hadlang sa buhay.
IKAW AY MAY MALAKI, PAHABA NA KAMAY, MAHAHABA RIN ANG IYONG MGA DALIRI. Ikaw ay may tinatawag na air hand. Intelektuwal at matalas ang isip, at ang iyong mahahabang daliri “ay halos literal na nakaabot ng lahat ng uri ng kaalaman. Ang totoo, ang iyong kuryosidad ay walang patid," ani David. Bilang isang abstract thinker, ikaw ay mahusay sa tula at kung minsan ay moody ka, magaling kang artist, dahil ikaw ay kompleksito at may mahuhusay na mga mata sa sining, mahusay tumingin ng magagandang bilihin sa market at puwede kang maging designer ng damit. Misteryoso ang isang hangin, kaya masaya kang matuto ng anumang bagong bagay at mas masaya kapag nahigitan mo pa ang iyong kagustuhan.
MAY MALILIIT KANG KAMAY AT OBLONG ANG IYONG PALAD. ANG MGA DALIRI AY SLENDER. Ikaw ay may tinatawag na fire hand. “Ang mga tao na may maliit na mga kamay ay karaniwang nangangarap ng malalaking bagay. Ang totoo, may mga bagay kang gustong matutunan, ani Davis. Sa ibang salita, ikaw ay maraming ginagawa, masipag na klase ng elemento. Para sa iyo, ang mga pagsubok ang siyang nagpapatakbo ng buhay mo. Ang totoo, ang lakbayin mo sa buhay ay tulad ng isang pianista sa konsiyerto na nagtitipa ng pababa at paakyat sa piyesa ng piano, Mabilis, kung minsan agresibo, pero palaging tama at perpekto ang nota ng musika.
ANG PALAD O KAMAY AY MAHABA AT MAKITID. MAY FLEXIBLE NA MGA DALIRI. Ikaw ay matatawag na water hand. Tinatawag ka ng mga palmists na “psychic hand,” sa siyentipikong termino, na ibig sabihin na may malakas kang biswal, highly institution thinker. Ikaw ay mahusay na tumingin sa hindi nakikita, pero may kapangyarihan, pati ang kutob malakas. Sensitibo at makarisma, marami ang nagmamahal sa iyo, mas madali kang makisama kahit kanino dahil naiintindihan mo ang pangangailangan at damdamin ng ibang tao. Dahil sa pleksibilidad ng iyong mga daliri, tinatawag ka nina Davis na “pinagpala dahil magaling kang manghula.” Iyan ang iyong personalidad.
ANG TINATAWAG NA BRAIN/HAND CONNECTION. Ayon sa neurologists, isa sa pinakamainam na paraan para makalikha ng bagong koneksyon sa iyong utak ay gamitin ang mga kamay nang magkakaiba, puwedeng sa pagsukat sa taas o pag-rock climbing o paglalaro ng bagong instrumento bilang musikero.








Comments