top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Barrier sa magkaangkas sa motor na naka-face mask at face shield naman, kamang-mangan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 17, 2020



ANG bilang ng mga Pinoy na nagpa-positive sa COVID-19 ay hindi batayan ng paglala ng sitwasyon.

Ito ay batayan lang na dumami ang isinasailalim sa testing!

◘◘◘

KAPAG dumarami ang bilang ng nagpa-positive makaraan ang PCR swab test ay nangangahulugang nagtatrabaho ang gobyerno upang matukoy kung sino-sino ang may sakit.


Kapag kakaunti ang bilang ng tao na nagpa-positive tulad sa ibang bansa, ibig sabihin—ay tamad ang gobyerno at ayaw matuklasan ang tunay na bilang ng populasyon na tinamaan ng COVID-19.

Ganun lang ‘yun!

◘◘◘

MAY mga bansa na kakaunti ang bilang ng nagpa-positive, sapagkat wala silang pasilidad sa swab test.

Hindi sila dapat kainggitan, bagkus ang mga bansang ito ay dapat kaawaan!

◘◘◘

ANG tunay na batayan ng panganib ay ang bilang ng mga namatay at bilang ng severe cases.

Ang problema sa Pilipinas ay hindi ang COVID-19, kundi ang kawalan ng sintido-kumon ng mga adviser ni P-Digong.

Hindi sila marunong magpaliwanag sa publiko!

◘◘◘

MAHALAGA ang mass media, pero kapag ito ay binubuo ng bopol na mga tao, mapapahamak nito ang mayorya ng populasyon.

Naipapahamak ng bopol na media ang mas bopol na mga decision makers!

◘◘◘

MALI at kapos ang impormasyon na inilalabas ng gobyerno, kapos din ang kakayahan ng media na mailantad ang tunay na sitwasyon.

Kapag nag-partner ang bopol na gobyerno at bopol na media, krisis ang kauuwian.

‘Yan ang nararanasan ng buong daigdig!

◘◘◘

ANG mga eksperto ay hindi tunay na eksperto sa lahat ng larangan.

Kani-kanyang larangaan ‘yan.

Kumbaga, kani-kanyang raket ‘yan!

◘◘◘

HINDI puwedeng magdesisyon ang doktor sa may kaugnayan sa pag-appreciate ng datos.

Hindi rin puwede ang mga heneral na magdesisyon kapag wala namang digmaan at payapa ang paligid!

◘◘◘

SA gitna ng krisis sa lipunan, ang mga saykologo at sosyologo ang tunay na nakauunawa.

Sa datos o bilang o istatistika, mathematician ang dapat sinasandalan ng desisyon.

Sa Pilipinas, palpak ang diskarte, sapagkat mga heneral ang pinagmumulan ng hindi angkop na desisyon!

◘◘◘

EKSAMPOL ng maling desisyon ay ang pagkakaloob ng ayuda sa lahat ng mamamayan na naka-lockdown.

Bibigyan mo ng ayuda ang 100 milyong mamamayan dahil nasa ilalim ng lockdown ang buong bansa.

Kabaliwan!

◘◘◘

PINALAGYAN ng barrier ang magkaangkas sa motorsiklo—kahit parehong naka-face mask at naka-face shield.

Kamang-mangan na nais ipatupad nang mahigpit.

Ang panic ay nagpaparalisado sa utak—kaya’t aktuwal na mali ang mga regulasyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page