Barko ng China, namataan sa Recto Bank
- BULGAR
- Aug 10, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | August 10, 2024

Namataan ang isang barkong pananaliksik ng China sa Recto Bank o tinatawag ding Reed Bank, ayon sa isang independent monitor.
Ito ay matapos ang ilang araw na pananaliksik ng nasabing barko sa mga bahura at shoal sa kanlurang bahagi ng Palawan.
Ayon kay Ray Powell, isang retiradong opisyal ng U.S. Air Force at ng maritime transparency initiative na SeaLight, pumasok ang 74-metrong barko ng China na Ke Xue San Hao sa timog na bahagi ng Recto Bank nu'ng Huwebes ng alas-10:30 ng gabi.
Pinaniniwalaang naglalaman ang Recto Bank ng malalaking reserba ng langis at natural na gas na matatagpuan 85 nautical miles mula sa Palawan.
Bagama't nasa loob ito ng exclusive economic zone ng 'Pinas, hindi pa nagawang pakinabangan ng bansa ang mga yaman nito dahil sa tensyon sa pagitan ng Beijing.








Comments