top of page
Gary V. - IG.jpg

Barko nasunog, 5 patay, 86 nawawala

Writer: BULGAR
BULGAR
52 minutes ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | September 11, 2026



Ang sumabog at nasunog na ferry ng MV June Aster - PCG

Photo: Ang sumabog at nasunog na ferry ng M/V June Aster - PCG



Hindi bababa sa lima ang nasawi at 86 iba pa ang nawawala matapos umanong sumabog at masunog ang ferry na M/V June Aster malapit sa isang tourist hotspot sa Palawan noong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).


Ayon kay Coast Guard Captain Noemi Cayabyab, nasa 2.2 kilometro mula sa baybayin ang barko nang sumiklab ang apoy. 


Sa 134 na nakalistang pasahero at crew, 43 ang nailigtas, kabilang ang mga pasahero at crew, habang lima ang kumpirmadong nasawi.


Nilinaw na maaaring magbago ang bilang habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.


Ayon pa kay Cayabyab, hindi pa nakukuha ng Coast Guard ang impormasyon mula sa mga nailigtas dahil hindi pa nila nakakausap ang mga ito, habang nagpapatuloy ang pag-apula sa sunog.


Batay sa MarineTraffic, nanggaling sa Maynila ang M/V June Aster.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page