Barko lumubog at nahati, 32 na-rescue
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | May 2, 2026

Photo: PCG
Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 32 crew ng barko matapos lumubog at mahati sa karagatang bahagi ng Brgy. Corregidor, Dapa, Surigao del Norte nitong Huwebes, April 30.
Ang barkong pangkargamento na LCT Pacifica 3 ay patungo sa Siargao mula sa isla ng Claver nang mangyari ang insidente.
Nasalubong umano ng barko ang malalakas na alon na nagresulta upang bumaligtad ito at kalauna’y nahati sa dalawa batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard.
Dahil sa maagap na pagsaklolo ng mga operatiba ng Coast Guard at mga nagrespondeng mangingisda, nailigtas ang lahat ng crew ng barko.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente kasama na ang pagmo-monitor sa posibleng oil spill sa karagatan.




Comments