Baril ng ama, pinaglaruan ng mag-utol... 4 yrs. old sapul sa ulo, patay
- BULGAR

- Aug 5
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 5, 2026

Photo: File
Kamatayan ang sinapit ng apat na taong gulang na batang lalaki matapos matamaan ng bala ng holen gun sa Brgy. Agloloway, Jamindan, Capiz.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang batang si alyas Jepjep matapos tamaan ng bala ng holen gun.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Jamindan Municipal Police Office na pinaglaruan umano ng biktima kasama ang sampung taong gulang na kapatid ang holen gun na pag-aari ng kanilang ama.
Hindi umano alam ng magkapatid na loaded ang holen gun at pumutok na tumama sa ulo ng bata.
Inaalam ng mga otoridad kung paano nakuha ng magkapatid ang holen gun ng ama.





Comments