BARBIE, BINASTED SI RURU, AMINADONG NAKARMA

ni Nitz Miralles - @Bida | January 28, 2021

Nanligaw pala kay Barbie Forteza si Ruru Madrid, nabasted nga lang.
Nabanggit ito ni Barbie nang mag-guest sa The Boobay and Tekla Show bilang paglilinaw na rin sa sinabi noon ni Ruru nang mag-guest sa TBATS na binasted siya ni Barbie nang walang sinabing rason. Napanood ni Barbie si Ruru at feeling niya, lumabas siyang masama kaya gusto niyang linawin ito.
“Lilinawin ko lang po, kaya po nu'ng time na ‘yun, nabasted ko po ang kinauukulan ay dahil kagagaling ko lang po sa very painful relationship and so, ayaw ko naman siyang gawing rebound. Gusto ko sana siyang i-entertain kung tapos na ako mag-move on, ‘yung okay na ako, ready na ako, wala na akong hinanakit, ganyan. Kaya lang, kasi, hindi naman niya pinursue. Noong binasted ko siya, ‘yun na ‘yun, wala na,” paliwanag ni Barbie.
Tama ba kami na ang binanggit ni Barbie na “very painful relationship” ay ang breakup nila ni Kiko Estrada? Hindi naging maganda ang breakup ng dalawa at hindi na siguro ikukuwento pa 'yun ni Barbie.
Anyway, in the same interview, nabanggit ni Barbie na feeling niya, nakarma siya nang magkagusto kay Andre Paras na nakasama niya sa That’s My Amboy, kaso ay hindi naman siya niligawan.
“Crush ko siya noon (si Andre), so feeling ko, nakarma ako sa pambabasted ko kay Ruru. Kaya noong may nagustuhan na akong guy, hindi naman ako gusto.”
Ngayon, masaya na sina Barbie at Ruru sa kani-kanyang love life. May Jak Roberto na si Barbie at si Ruru ay may Bianca Umali naman. Wala lang kaming balita kung may GF na si Andre.
Speaking of Barbie, mahusay talaga ang aktres mapa-comedy o drama. May eksena siya sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kung saan masasaktan sa nalamang nagkabalikan sina Caitlyn (Kate Valdez) at Cocoy (Migo Adecer).
Ang husay ni Barbie na hindi alam kung ngingiti o iiyak sa nalaman dahil mahal din ni Ginalyn (her character’s name) si Cocoy.





Comments