top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Barangay election, ipagpapaliban sa 2022 dahil sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 31, 2020



Hindi raw handa ang Pilipinas sa pagdating ng COVID-19.


Huh, eh, alin bang bansa ang nakapaghanda?


◘◘◘


Sa panahon ng krisis, kailangan ang mga tumpak at mabibilis na desisyon.


‘Yan ang waley!


◘◘◘


Hihigpitan pa raw ang quarantine sa Metro Manila imbes na paluwagin.


Kaawa-awang mga negosyante!


◘◘◘


Nabuhay ang away ng Malaysia at Pilipinas kaugnay sa Sabah, North Borneo.


Halah!


◘◘◘


Itinalaga na bilang bagong hepe ng AFP si Army commander Lt. Gen. Gilbert Gapay.


Huwag sana siyang madale ng COVID-19!


◘◘◘


Nais daw ipagpaliban ang eleksiyon sa barangay sa 2022 dahil sa COVID-19.


Huh, dapat itong ituloy para mapalitan ang mga palpak nang mga barangay officials!


◘◘◘


Ang halalan ang kaluluwa ng demokrasya.


Kapag inalis ang eleksiyon, hihina ang pundasyon ng demokratikong institusyon!


◘◘◘


Next year, may bago nang hilatsa o “landscape” ang ibabaw ng mundo—pisikal, political, mental, saykolohikal, sosyal, ekonomikal at teolohikal.


Mababago na ang pananaw ng mga tao sa lupa!


◘◘◘


Kahit ang ritwal sa relihiyon ay mababago.


Maging ang pakikisalamuha sa kapwa at paniniwala sa sistema ng lipunan ay maiiba!


◘◘◘


Sa ayaw o sa gusto ng buong populasyon, may “bago nang mundo” sa 2022.


Ibang-iba na ang buong daigdig!


◘◘◘


Sa ngayon ay marami nang iiwanan at kakalimutang tradisyon ang mga tao.


Marami namang bagong ugali o estilo ang yayakapin ng mamamayan!


◘◘◘


Ang hinihintay na paghuhukom ay kasalukuyan nang nararanasan ng mga tao.


Ang “Kristo” na hinihintay ay mas malamang na nasa tabi na ng bawat indibidwal!


◘◘◘


Nang unang dumating ang Kristo ay marami ang maysakit na hindi gumagaling.

Marami rin ay kanyang napagaling.


Pero, kakarampot na bilang lang ng tao ang nakaramdam ng “kanyang pagbabalik sa mundo”—nang makaalis siya, doon nila napatunayan—nagkatawang-lupa ang Kristo!


◘◘◘


Kung paanong hindi nakilala ng mga tao ang pagkakatawang-lupa ng Kristo noon, ganyan din siya babalik.


Hindi rin siya makilala ng kanyang mamamayan.


Bakit?


Maaaring naka-face mask din siya?


◘◘◘


Kapag hindi nag-face mask ang bagong Kristo, aarestuhin siya.


At kung sa Pilipinas siya magpapakita, ‘pag minamalas-malas, baka siya “maitumba” nang hindi sinasadya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page