top of page
Search
  • BULGAR

Baon sa utang sa bumbay… Misis nagbenta ng shabu, kulong

ni Gina Pleñago | July 6, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Arestado ang isang ginang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng kalahating kilong shabu na may halagang P3.4 milyon sa Taguig City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Director General Wilkins Villanueva, ang suspek na si Saida Kadilon y Sandigan, walang trabaho ng Bgy. Maharlika, Taguig City.

Base sa inisyal na ulat, nakipagkita ang suspek sa poseur-buyer ng PDEA sa parking lot ng isang mall sa Western Bicutan, Taguig City, ala-1:19 ng hapon at dito siya nahuli kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang 500 gramo ng shabu sa 8 sachets na isinilid sa paper bag.


Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA 4-A, PDEA Special Enforcement Service, PDEA National Capital Region at PDEA Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pakikipagtulungan ng Taguig City Police.

Katwiran ng suspek, hindi niya kilala ang nagpabenta sa kanya ng ilegal na droga at napilitan siyang pasukin ang pagbebenta dahil sa pagkakabaon niya sa utang sa Bumbay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page