top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Bantay sa ASEAN... Mga police, oks lang mag-motel — PNP spox

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 17, 2026



Police mobile sa motel - Silinyador PH - Circulated

Photo: Silinyador PH - Circulated



Walang nakikitang problema ang Philippine National Police (PNP) sa presensya ng isang police mobile na umano’y nakaparada sa isang drive-in motel sa Maynila habang abala ang mga awtoridad sa pagbabantay sa 49th ASEAN Summit.


Depensa ni PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, kailangan din ng mga pulis na makapagpahinga habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa nasabing international gathering.


“Ano ba ang definition ng motel? Motel is a motorist hotel. Now, let us cleanse our minds naman,” ani Co sa isang press briefing.


Ayon sa opisyal, mas praktikal at abot-kaya umano ang mga motel para sa mga pulis na ilang oras lamang kailangang magpahinga bago muling sumabak sa kanilang duty.

Aniya, hindi lahat ng hotel ay nag-aalok ng mas maikling accommodation arrangement kaya nagiging alternatibo ang mga motel.


“We do not see any issue with parking in this establishment,” giit ni Co.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na susuriin pa rin ng PNP ang mga pangyayari sa likod ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page