top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bantag vs. Remulla, sino ang kakampihan ni Digong?

BULGAR
Nov 13, 2022
2 min read

Updated: Nov 14, 2022

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 13, 2022


‘PINAS NAPALILIBUTAN NG DAGAT, TAPOS MAG-I-IMPORT NG ISDA—Inanunsyo ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) na mag-i-import ang Pilipinas ng 25 toneladang isda upang matiyak umanong hindi kakapusin sa isda ang bansa.


Sa totoo lang, nagmumukhang katawa-tawa ang Pilipinas kasi mantakin n’yo, napalilibutan ng dagat ang bansa, tapos ang mga "bata" sa DA ni Pres. Bongbong Marcos ay mag-i-import ng isda sa ibang bansa?


◘◘◘


SA BANTAG VS. REMULLA, SINO ANG PAPANIGAN NI DIGONG?—Matapos sampahan ng kasong double murder si suspended BuCor Director General Gerald Bantag at iba pang akusado kaugnay sa pagpatay kina broadcast journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa at Bilibid inmate Jun Villamor ay lumantad ang former BuCor chief at niresbakan si Justice Sec. Crispin “Boying” Remulla at sinabihang mag-resign na sa Department of Justice dahil wala na itong kredibilidad na mamuno dahil ang anak nitong si Juanito Jose Remulla ay nasangkot sa illegal drugs importation.


Sina Bantag at Remulla ay parehong malapit kay former Pres. Rodrigo Duterte, si Bantag ay appointed ng dating pangulo sa BuCor, samantalang si Remulla naman ay kaalyado ng dating pangulo sa pulitika.


Kaya ang tanong: Sino kina Bantag at Remulla ang kakampihan o papanigan ni Digong?


◘◘◘


MABUTI PA ANG MAKABAYAN BLOC REPRESENTATIVES NAGPAPAKITA NG MALASAKIT SA MAMAMAYAN, PERO ANG IBANG PARTYLIST REPS. ‘NGANGA’—Nanawagan ang Makabayan bloc partylist representatives, na kinabibilangan nina ACT Teacher Rep. France Castro, Gabriela Women Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel sa mga kapwa nila kongresista na magkaisa nilang isulong na tanggalin muna ang 12% VAT sa kuryente, tubig at tollgate ngayong may krisis sa bansa.


Mabuti pa ang mga miyembro ng Makabayan bloc partylist representatives ay may ginagawang aksyon para maibsan ang laki ng gastusin ng mamamayan, pero ang ibang partylist representatives ay “nganga” sa mga problemang kinahaharap ng mga Pinoy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page