Banta ni P-BBM sa rice smugglers at hoarders, pabida lang!
- BULGAR
- Sep 7, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 7, 2023
KUNG MAY DELICADEZA SI LALA SOTTO DAPAT MAG-RESIGN SIYA SA MTRCB -- Kung may delicadeza sa kanyang sarili si Movie and Television Review ang Classification Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto ay dapat mag-resign na siya sa ahensya, kasi ang ama niyang si former Sen. Tito Sotto ay co-host ng noontime show na E.A.T. ng TV 5 na karibal ng pinasuspinde niya for 12 days na “It’s Showtime” ng ABS-CBN network.
Nasisira kasi ngayon ang imahe ng MTRCB sa kanyang pamumuno dahil lumalabas na ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan para i-harass ang mga karibal na programa ng kanyang ama, period!
◘◘◘
WALANG SUSUWAY SA GUSTO NI LALA SOTTO KASI ANG SUSUWAY NA MTRCB BOARD MEMBERS MALAMANG SIBAK SA PUWESTO ANG ABUTIN -- Ang sabi ni MTRCB Chairman Lala Sotto para raw hindi makulayan ang desisyon ng MTRCB, ay nag-inhibit daw siya sa botohan kung dapat o hindi suspendihin ang “It’s Showtime”.
Ginagawa namang mangmang ni Lala Sotto ang publiko sa statement niyang ito, kasi kahit hindi siya bumoto o nag-inhibit siya sa botohan, bilang head ng MTRCB ay kung ano ang gusto niyang mangyari ay ‘yun siyempre ang susundin ng mga tauhan niyang board members ng MTRCB, dahil ‘ika nga kung sino ang susuway, tiyak sibak sa puwesto ang aabutin ng kokontra sa kanyang kagustuhan, boom!
◘◘◘
DAPAT MAGPABIDA RIN ANG MGA SENADOR SA PAG-IIMBESTIGA, SAAN GINAGASTA NG MGA TRAPO ANG CONFIDENTIAL FUNDS --Nagpabida ang mga senador sa pag-iimbestiga sa simpleng away ng ex-policeman at siklista, na talaga namang halos maghamon at pinagkaabalahan nila ito ng oras.
Sana, sa susunod na magpabida ang mga senador sa pag-iimbestiga ay dapat ‘yung may kinalaman na sa public interest ang kanilang imbestigahan, tulad halimbawa kung saan ginagasta ng mga trapo (traditional politicians) ang kanilang confidential funds dahil hindi talaga katanggap-tanggap na inuubos ng mga trapo ang pera ng bayan nang hindi nalalaman ng taumbayan saan ito ginasta kasi nga wala silang isinusumiteng resibo sa Commission on Audit (COA), period!
◘◘◘
PABIDA LANG ANG BANTA NI P-BBM SA MGA RICE SMUGGLERS AT RICE HOARDERS -- Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023 ay nagpabida si Pres. Bongbong Marcos nang sabihin niyang bilang na raw ang araw ng mga rice smugglers at rice hoarders.
Ito na ang siste, nang tumaas nang tumaas ang presyo ng bigas ay nitong Sept. 4, 2023 ay nalulungkot na sinabi ni P-BBM na ang sanhi raw ng pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa mga rice smugglers at rice hoarders.
Dahil d’yan ay lumalabas na pabida lang ni P-BBM ang banta niya sa mga rice smugglers at rice hoarders kasi ay wala naman pala siyang ginawang aksyon umano laban sa mga ito, boom!





Comments